Communist Party of the Philippines
Komiteng Tagpagpaganap ng Komiteng Rehiyon sa PKP-Ilocos Cordillera
March 27, 2019
Mensahe ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon
ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Ilocos-Cordillera
Sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), ating ipagbunyi ang mga tagumpay ng limampung taon na maningning na pagsusulong ng BHB at ng sambayanang Pilipino ng digmang bayan sa ilalim ng matibay na pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).
Ibinibigay natin ang pinakamataas na pagpupugay at pagsaludo sa mga martir ng armadong rebolusyon – ang mga kadre at kasapi ng PKP, mga matatapang na kumander at mandirigma ng BHB, mga lider at kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at iba pang masa – na nag-alay ng kanilang buhay upang sumulong ang digmang bayan at makamit ang kasalukuyang antas na narating nito.
Sa harap ng napakatinding kahirapan at kaapihang nilalasap ng malawak na sambayanang Pilipino sa ilalim ng teroristang rehimeng US-Duterte, ipinapanawagan natin ang buong sigasig na pagpapaigting ng digmang bayan, upang umambag sa pagpapatalsik ng diktaduryang Duterte at kumprehensibong maisulong ang demokratikong rebolusyong bayan sa mas mataas na antas hanggang sa makamit ang ganap nitong tagumpay sa di malayong hinaharap at maitatag ang sosyalismo sa ating bansa.
Napakatinding Kahirapan, Kagutuman at Pang-aapi Sa Ilalim ng Tiranikong Rehimeng US-Duterte
Mabilis na tumitindi ang malalang krisis at pagkabulok ng mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema sa bansa sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Sa kabila ng mga saywar ng rehimen na “pag-unlad” ng ekonomya ng bansa, malinaw ang lahat ng indikasyon na lalo lamang nalulubog sa papatinding kahirapan ang mga batayang masa at mga nasa panggitnang uri. Ang tanging maipagmamayabang ng rehimeng ito ay ang pagpaslang sa mahigit 10,000 mamamayan sa ilalim ng nagpapatuloy na kampanyang anti-droga. Lalong lumilinaw sa malawak na sambayanan na tanging ang kanilang nagkakaisang paglaban at ang armadong rebolusyon lamang ang makakapagwakas sa kabi-kabilaang papatinding kahirapan at kaapihang dinaranas nila.
Ang krisis sa kabuhayan ay pinatindi pa ng sunod-sunod na mga kalamidad na nagdulot ng malawak na pinsala sa agrikultura. Lalo pang masasadlak sa matinding pagdarahop at kagutuman ang daanlibong magsasakang hindi pa nakakabangon sa hagupit ng Ompong at Rosita ay muli na namang sinasalanta ng papatinding tagtuyot.
Walang sinserong pagtugon ang rehimeng US-Duterte sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga batayang masang lugmok sa matinding kahirapan. Imbes ay nilulustay nito ang kaban ng bayan sa mga malalaking imprastrukturang proyektong nagsisilbi sa imperyalista, modernisasyon ng mga kagamitang pandigma at militarisasyon.
Ang tanging solusyong maiya-alay ng rehimen ay ang higit pang pagpapakatuta sa mga imperyalista at mga mapanlinlang at ‘band aid’ na mga programang katulad ng 4Ps, Universal Health Care, pekeng programa sa reporma sa lupa at mga pangakong napako. Lalo pang bumabagsak ang kabuhayan ng mga manggagawa, mala-manggagawa at magsasaka at maging ng panggitnang uri dahil sa todong pagpapatupad ng rehimen ng mga neoliberal na patakarang pang-ekonomya na tulad ng TRAIN Law, Rice Tarrification Law at jeepney phaseout. Bagsak ang presyo ng halos lahat ng mga produkto ng magsasaka kabilang ang palay at sibuyas dahil sa pagbaha ng mga imported na agrikultural na produkto dulot ng todong liberalisasyon ng merkado. Walang tunay na kaunlarang idudulot sa mga manggagawa at magsasaka ang mga malalaking imprastrukturang ipinapatupad sa ilalim ng programang Build, Build, Build, na pinopondohan ng napakalaking utang sa Tsina. Ang ibinabandera ng rehimen na Chico River Pump Irrigation Project (CRPIP) sa Kalinga at iba pang katulad na proyektong imprastruktura ay pangunahing nagsisilbi sa pang-ekonomyang interes ng mga imperyalistang Tsino na lilikom ng dambuhalang kita mula sa mga proyektong ito. Lalo pang ibinukas ng rehimen ang bansa sa higit pang pandarambong ng mga imperyalistang kumpanya sa mga natural na rekurso ng bansa, pangunahin ang mga kapitalista sa minahan, enerhiya at mga plantasyon sa agrikultura.
Upang matiyak na maprotektahan ang mga negosyo, proyekto at kabuuang pampulitika at pang-ekonomyang interes ng mga imperyalista at lokal na naghaharing uri sa bansa, iwinawasiwas ng rehimen ang papatinding pasistang pananalasa sa malawak na kanayunan at kalunsuran. Ang estratehiyang ‘Whole of Nation Approach’ sa esensya ay pagpapailalim ng burukrasyang sibil sa kontrol at dikta ng militar kung saan umiiral ang isang de facto na Martial Law sa buong bansa. Maliban sa pagpupwesto ng mga dating heneral ng AFP at PNP sa kalakhan ng mga ahensya ng gubyerno, pinupwersa at tinatakot ang mga LGU, government agencies, simbahan at iba pang NGO upang lubusin ang paggamit sa mga ito sa mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-mamamayang programa. Malawakang inookupa, nililinlang at tineterorisa ang mga komunidad sa kanayunan sa pamamagitan ng mga ‘peace and development team’ o PDT ng AFP-PNP. Batay sa plano at kontrol ng AFP-PNP at ng kontrolado rin nitong Office of the Presidential Adviser for the Peace Negotiations (OPAPP), isinasagawa ang mga pekeng lokal na usapang pangkapayapaan sa mga barangay at munisipyo kung saan iniipon ang mga taumbayan, tinatakot, pinapahiya at ipinepresenta bilang mga surrenderer. Ang programang E-CLIP ay isa lamang na raket ng mga opisyal ng militar na kumikita sa maramihang pagpapasurrender ng mga sibilyan bilang mga NPA.
At upang lalong sindakin ang lumalabang mamamayan, inililista at pinapaslang ang mga aktibista at lider masa na target ng mga Duterte death squad.
Sa desperasyong maampat ang mabilis na pagkakahiwalay ng tiranikong rehimen sa malawak na mamamayan, todo buhos ang pagmamaniobra nito upang matiyak na manalo sa darating na halalan ang mayorya ng mga alipures nito sa senado, kongreso at lokal na gubyerno. Sa maraming mga lugar sa rehiyon, lansakang ginagamit ang dahas, maruruming taktika at pambibili ng boto na pawang mga malalang paglapastangan sa demokratikong karapatan ng mamamayan. Lantarang ginagamit ang makinarya ng AFP-PNP laban sa mga progresibong organisasyong partylist at kandidato sa pamamagitan ng pananakot, red tagging at pandarahas. Ginagamit ang mga rekurso ng AFP-PNP tulad ng mga helicopter na nagpapamudmod ng mga polyeto laban sa mga progresibong organisasyong partylist at nagpapanawagan ng pag-surrender ng mga sibilyang sumusuporta sa CPP-NPA.
Matatag Na Sumusulong Ang Digmang Bayan sa Rehiyon
Mula nang mabuksan ng BHB ang unang sonang gerilya sa rehiyon noong 1971, matatag nitong isinulong ang armadong rebolusyon na sa kalauna’y mabilis na sumaklaw sa lahat ng probinsya at halos lahat ng distrito sa rehiyon. Mula sa panahon ng mabangis na pamumunong militar ng diktadurang US-Marcos hanggang sa kasalukuyang higit na mas mabangis na tiranikong diktadura ng rehimeng US-Duterte, matagumpay na binigo at patuloy na binibigo ng BHB sa rehiyon ang magkakasunod na mararahas na mga kontra-insurhensiyang kampanya at programa. Sa pamamagitan ng magiting na paglaban, paglahok ng malawak na masa at mahigpit na paghawak sa mga wastong prinsipyo, tuloytuloy na nagpalakas ang BHB sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, pursigidong nagsisikap ang BHB sa rehiyon na mapagpasyang pangibabawan ang ilan pang umiiral na mga bahid ng konserbatismo sa pulitika at militar; at mula rito’y mabilis na makapagpalakas upang makaagapay sa pagsusulong ng digmang bayan sa buong bansa patungo sa mas mataas nitong antas. Patunay dito ang matagumpay na pagbigo sa kampanya ng kaaway laban sa BHB sa pamamagitan ng mga taktikal na opensiba at iba pang aksyong militar na dumulo sa tagumpay na reyd sa isang PA-CAFGU detachment sa Kalinga noong Disyembre 2018 kung saan ay nakasamsam ang BHB ng 32 na armas. Magpapatuloy pa ang BHB sa rehiyon sa pagpupursigeng makapaglunsad ng paparaming mga taktikal na opensiba upang ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan, ipatupad ng tunay na reporma sa lupa at parusahan ang mga pusakal na mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-mamamayan at mula rito ay makasamsam ng paparaming armas para sa karagdagang mga pormasyon.
Buong Giting na Iwagayway ang Pulang Bandila Ng Armadong Rebolusyon
Ipinapanawagan sa lahat ng mga kumander at mandirigma ng BHB at sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa, na paigtingin ang paglaban sa rehimeng US-Duterte. Kailangang buklurin ang pinakamalawak na pagkakaisa at paglaban ng mamamayan upang mapatalsik sa poder ang tiranikong rehimen. Nararapat samantalahin ang pagkapoot at matinding galit ng mabilis na lumalawak na hanay ng sambayanan laban sa naghaharing rehimen upang mabilis na mapukaw, maorganisa at mapakilos ang pinakamalawak na hanay nila para sa pagsusulong ng kanilang makauring interes at ng armadong rebolusyon. At sa pamamagitan nito’y kumprehensibo tayong magpalakas at isulong ang digmang bayan sa susunod na mas mataas na yugto.
Buong sigasig nating labanan at biguin ang marahas na kontra-mamamayang Oplan Kapayapaan ng mabilis na naihihiwalay na teroristang rehimen. Kailangang pangibabawan ng masa ang matinding pananakot ng kaaway. Nararapat na buong tapang na ipaglaban ang mga batayang kahilingan at masigasig na isulong ang mga anti-pyudal na pakikibakang masa. Sa kagyat, isulong ang malawakang kilusang masa upang labanan ang napakatinding kahirapan at kagutuman dulot ng magkakasunod na kalamidad; at iba pang matitinding isyung pangkabuhayan tulad ng pagbagsak ng presyo ng palay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at malawakang pangangamkam ng mga lupain. Ngayong panahon ng eleksyon, hamunin ng masa ang mga pulitiko – na kung totoong nagsisilbi sila sa mamamayan, tugunan nila ang karaingan ng masa imbes na nilulustay ang kinurakot na pondo ng bayan sa pambibili ng mga boto at pagpipinansya ng mga armadong goons. Ubos-kayang ilantad at labanan ang mga pasistang atake at pananakot.
Mabilis na palakasin ang BHB upang mabuo ang dagdag na mga pormasyong platun at kumpanya at maitatag ang mga laking kumpanyang larangang gerilya. Kumprehensibong palakasin ang baseng masa ng armadong rebolusyon sa kanayunan sa pamamagitan ng mahusay na pagsusulong ng tatlong integral na tungkulin ng pagbubuo ng baseng masa, pagsusulong ng agraryong rebolusyon at armadong pakikibaka. Sa harap ng papatinding pambansang pang-aapi at agresyon ng mga imperyalistang kumpanya, buo-buong pakilusin at palahukin ang mga tribo at komunidad ng mga pambansang minorya ng Cordillera sa armadong rebolusyon.
Paigtingin pa ang mga taktikal na opensiba at bigyang diin ang mga opensibang nakakasamsam ng armas mula sa kaaway. Masigasig na pakilusin ang buo-buong mamamayan para sa digma upang biguin ang ‘Whole of Nation Approach’ ng kaaway.
Buong sigasig at buong tapang na labanan ang Oplan Kapayapaan!
Patalsikin ang rehimeng US-Duterte!

Isulong ang digmang bayan sa susunod na mas mataas na antas hanggang makamit ang tagumpay!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.