Sunday, July 8, 2018

CPP/Ang Bayan: Mga magsasaka, minasaker ng 96th IB

Propaganda article from the Tgalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jul 7): Mga magsasaka, minasaker ng 96th IB

Tatlong magsasaka SA Ragay, Camarines Sur ang dinukot at pinatay noong Mayo 13 ng 96th IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Leo Bongosia. Kabilang ang 96th IB sa sampung bagong-buong batalyon ng AFP.

 Sina Antonio Bonagua, 19, Ronel Nariz, 25, at Roberto Ramos, 30, ay mga magkokopra sa Barangay Patalunan sa nasabing bayan. Nawala sila noong Mayo 13, matapos makasagupa ng mga sundalo ang BHB malapit sa lugar, at inakala ng pamilya na dinala sa kampo ng 96th IB.

 Matapos ang ilang linggong paghahanap ng mga kapamilya at kapitbahay, natagpuan nito lamang Hunyo 22 ang mga hukay na pinaglibingan sa tatlo.

 Inilibing ang mga biktima sa maliliit at mabababaw na hukay. Dalawa sa mga bangkay ay may mga palatandaan ng matinding pagpapahirap, samantalang ang isa ay pinaniniwalaang inilibing nang buhay.

 [Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180707-mga-magsasaka-minasaker-ng-96th-ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.