Sunday, July 8, 2018

CPP/Ang Bayan: Ambus ng BHB sa Masbate, matagumpay

Propaganda article from the Tgalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Jul 7): Ambus ng BHB sa Masbate, matagumpay

TINAMBANGAN NG Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate noong Hulyo 1, alas-9:30 ng gabi sa hangganan ng mga barangay ng Tagbon, Jamorawon at Cagay sa Milagros, Masbate ang tropa ng 2nd IB at Military Intelligence Company. Pitong sundalo ang napatay sa command-detonated explosive ng BHB.

Lulan ang mga sundalo ng isang siksbay nang mangyari ang ambus. Dinala sa ospital ng Masbate City ang sugatan habang ang mga malulubha ay isinugod sa Legazpi City.

Samantala, sa Northern Samar, apat ang napatay sa 43rd IB matapos silang tambangan ng BHB noong Hunyo 26, alas-9 ng umaga, sa Barangay Roxas, Lope De Vega.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180707-ambus-ng-bhb-sa-masbate-matagumpay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.