Thursday, June 28, 2018

CPP/NPA-Sorsogon: Pagpaparusa kay Angelito “Bong” Tobias, Ipinagbubunyi ng Mamamayang Sorsoganon!

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 28): Pagpaparusa kay Angelito “Bong” Tobias, Ipinagbubunyi ng Mamamayang Sorsoganon!

Ka Samuel Guerrero, Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)

28 June 2018
Press Release

Ipinagbubunyi ng buong mamamayan ng Sorsogon ang pagpaparusa ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan o BHB kay Angelito “Bong” Tobias, mahigit 50 taong gulang, residente ng Brgy. Binalyuhan, Caditaan, Magallanes Sorsogon, nitong Hunyo 27, bandang alas-11 ng umaga.

Si Tobias ay mayroong mabibigat na kaso laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa hanay ng mamamayan. Pinakamatingkad na kaso nito ang mga sumusunod:

1. Ang pagpapa-strike nito ng tatlong beses sa yunit ng BHB sa erya.

2. Pagiging aktibo at masigasig nitong impostor noong taong 2007 na nagresulta ng tatlong beses na pag-strike.

3. At taong 2011, ginamit ang pangalan ng BHB matapos na magnakaw ng isang tricycle at makinang pandagat na pag-aari ng masa.

Ang pagpaparusa kay Tobias ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command o CMC ay pagtugon sa malaon nang hiling ng mamamayang Sorsoganon.

Dapat lamang na higit pang pahigpitin ang pagkakaisa ng mamamayan upang ilantad, tutulan at labanan ang mga anti-mamamayang aktibidad ng mga elemento ng 31st Infantry Battalion sa ilalim ng 9th Infantry Division Philippine Army. Higit lalong dapat na maging mapagbantay ang mga Sorsoganon sa mga papahabang listahan ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga berdugong militar na bahagi ng Oplan Kapayapaan nito. Dapat na ihanda ng mamamayan ang kanilang nagkakaisang lakas upang harapin ang desperadong aksyon ng mga tropa ng AFP-PNP na naglalayong sagkaan ang pagdaluyong ng pakikibaka ng mamamayan laban sa lumalalang krisis at kriminalidad sa lipunan.

Muling bibiguin ng CMC-BHB, kaisa ng mamamayang Sorsoganon, ang pinasahol na Oplan Kapayapaan sa buong probinsya. Isusulong nito ang Demokratikong Rebolusyon tungo sa mas mataas pang yugto.

Mamamayan, Biguin ang Oplan Kapayaan!

Ilantad ang mga Anti-mamamayang Aktibidad ng 31st IBPA!

Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
BHB-Sorsogon

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.