NPA-Camarine Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 28): Biguin at Ibagsak ang Diktador at Tiranikong Rehimeng US-Duterte at Patuloy na Maglingkod sa Mamamayan
Mensahe ng Norben Gruta Command sa ika-49 na Anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
Michael Robredo, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Norben Gruta Command)
29 March 2018
Ang Norben Gruta Command (NGC), Bagong Hukbong Bayan sa kanlurang Camarines Sur, ay taas-kamaong nakikiisa sa pagdiriwang sa ika-49 na taong pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Binibigyan ng pulang saludo ang ating mga martir na pulang kumander at mandirigma ng BHB, na dahil sa kanilang pag-aalay ng sarili, ay nakamit natin ang mga makabuluhang tagumpay sa pagsusulong ng armadong pakikibaka para sa sambayanang Pilipino.
Ang binhi ng BHB sa kanlurang Camarines Sur ay naipunla noong 1976, mula sa pagsisikap para pambansang pagpapalawak ng rebolusyonaryong kilusan at ng armadong pakikibaka sa buong bansa. Nakapagpundar ito ng panimulang lakas mula sa pwersang nagmula sa mga setler na “kaingero” sa kagubatan ng unang Distrito ng Camarines na nangahas lumaban sa mga montero at konsensyunaryo sa mga lupaing publiko. Mula noon, ang NGC ay patuloy na tumalima sa absolutong pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas sa gabay ng Marxismo-Leninismo-Marxismo. Bilang pangunahing sandata ng PKP sa pagpapatupad ng rebolusyong agraryo, naisakatuparan ang pagpapalayas sa mga mangangamkam ng lupa sa mga lupang publiko at ngayon, ang mga ito ay malayang binubungkal ng mga magsasaka.Kasabay nito, sa patuloy ng paglakas ng BHB at paglakas ng rebolusyonaryong kilusan dahil sa suporta ng masang magsasaka sa kanayunan, marami sa mga panginoong maylupa sa unang distrito ng Camarines Sur ang napilitang i-abandona ang kanilang lupain. Bunga nito, nagkaroon ng lupa ang mga magsasakang dati ay wala o kulang ang lupang binubungkal. Naipatupad din ang pagbabago ng partihan at nanyutralisa ang mga ibang mga di-palabang panginoong maylupa.
Bukod sa pagpapatupad ng rebolusyong agraryo, nasawat din ang mga sindikatong kriminal, mula sa mga “dose pares” noong dekada 80 hanggang sa mga lokal na tiranong naghahasik ng takot sa mga mamamayan. Mula sa ilang yunit na sandahatang pamproganda ay nakapabuo ito ng mga platung gerilya, naitayo mga lokal na yunit gerilya na may malalim na balon mula sa mga lakas iskwad at platung yunit milisya sa baryo. Mayroong itong malawak at malalim na baseng masa mula sa naitayong mga ganap na samahan at mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika.
Nabigo ng BHB ang lahat ng kontra-insurhensyang Oplan ng lahat ng dumaang mga papet at pasistang rehimen mula sa Diktadurang US-Marcos hanggang sa Rehimeng US-Aquino. May sapat itong lakas para labanan ang tuta, pasista at tiranikong Rehimeng US-Duterte. Hindi nito papayagan na mabawi ang mga naipong tagumpay sa pamamagitan ng digmang bayan — mga tagumpay sa rebolusyong agraryo, pagsusulong ng armadong pakikibaka at pagtatag ng baseng masa. Puspusan nitong lalabanan ang hibang at ubod-arogansyang deklarasyon ng rehimeng Duterte na dudurugin ang BHB bago matapos ang 2018.
Naipatupad ng NGC ang pagpapaigting ng pakikidigmang gerilya at paglaban sa konserbatismong militar. Bukod sa mga naunang taktikal na opensiba sa mga nakaraang taon, kamakailan ay nakapaglunsad din ng mga anihilatibo at atritibong aksyon, tulad ng operasyong demolisyon sa pwersa ng PA sa Napolidan, Lupi noong Abril 2017, at ang 2 magkasunod na isnayp nitong Marso 2018, na nagresulta sa 1 patay at 2 sugatan sa hanay ng CAFGU. Matatandaan din na nitong nakaraang taon ay matagumpay na binigo ng NGC ang mga atake ng 9th IB at 92nd DRC nang bigwasan ang mga pwersa nito sa pamamagitan ng aktibong depensa noong Hulyo 2017 sa Ragay, Camarines Sur at noong Nobyembre 2017 sa Del Gallego, Camarines Sur na nagresulta sa kaswalti sa tropa ng AFP at CAFGU. Nitong Marso 25, 2018,nuling binigo ng NGC ang tangkang kubkob ng magkasanib ng pwersa ng 9th IB, 93rd DRC at 22nd CAA.
Nananawagan ang NGC sa mamamayan na patuloy na suportahan ang ating armadong pakikibaka, partikular ang pagsisikap ng ating mga pulang kumander at pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Napatunayan ng ating kasaysayan na tanging sa pagsusulong ng armadong pakikibaka mapapatupad ang tunay na reporma sa lupa at iba pang kapakipakinabang sa mamamayan at hindi tayo makakaasa sa pangako ng mga nag-aastang makamasa at sosyalista ngunit sagadsaring tagapalingkod ng mga naghaharing uri na umaasa sa pasista at mersenaryong reaksyunaryong AFP at tuta ng teroristang imperyalistang Estados Unidos. Maghanda tayo sa mahirap na pakikibaka’t umambag sa pambansang pagsisikap para sa pagpapahina hanggang sa tuluyang pagpapabagsak sa kasalukuyang rehimen.
Mabuhay ang BHB sa ika-49 taong anibersaryo!
Patuloy na pag-alabin ang paglilingkod sa sambayanan!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.