Tuesday, February 20, 2018

CPP/NPA-Rizal: Pagbati ng MGC sa opensibang militar NPA Rizal

New People's Army-Rizal propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 18): Pagbati ng MGC sa opensibang militar NPA Rizal



Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)

18 February 2018
Press Release

Malugod na binabati ng Melito Glor Command New People’s Army – Southern Tagalog ang Narciso Antazo Aramil Command – NPA Rizal sa kanilang matagumpay na pamamarusa sa yunit ng Philippine National Police – Special Action Force na naglulunsad ng operasyon sa larangang gerilya at pumipinsala sa mamamayan. Inambus ng mga Pulang mandirigma ang dalawang sasakyan – isang hummer-type jeep na may 4 na SAF commandos at isang back-to-back jeep na may 12 elemento ng SAF commandos sa Sityo San Joseph, Brgy. San Jose, Antipolo City. Pauwi ang mga mersenaryo mula sa kanilang operasyong militar sa kanilang headquarters sa naturang lugar. Tumagal ang labanan mula 6:40 hanggang 7:25 ng umaga.

Anim na elemento ng SAF commandos ang nasugatan at dalawa ang nasawi samantalang walang kaswalti sa hanay ng magigiting na Pulang mandirigma.

Ang opensibang militar na inilunsad ng NPA Rizal ay bilang tugon sa walang tigil na paglulunsad ng mga operasyong militar ng reaksyunaryong pwersang panseguridad sa mga erya na saklaw ng NPA at paghahasik ng lagim sa hanay ng mamamayan.

Patuloy ang pagsasanay ng lahat ng elemento ng NPA sa rehiyon sa iba’t ibang teknika at taktika sa pakikihamok sa berdugong Armed Forces of the Philippines-PNP upang sagkaan ang kanilang kapalalauan at kahambugan sa harap ng lumalabang inaaping mamamayan. Sisikaping kamtin ng NPA ang isang kaaway na kaswalti sa hanay ng AFP-PNP sa paglulunsad ng mga opensibang pamamarusa sa mga nag-ooperasyong tropa ng reaksyunaryong hukbo. Gamit ang iba’t ibang kasanayang militar tulad ng commando operations, sniping operations, sapper operation, sabotage operations at partisan, hihina at wawasak ang moral ng mga mersenaryong hukbo ng estado sa harap ng tuluy-tuloy na paglaban ng inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan.

Nananawagan ang Melito Glor Command sa lahat ng yunit ng NPA sa rehiyong Timog Katagalugan na higit pang pasiglahin at padagundungin ang mga opensibang aksyon laban sa lahat ng yunit ng reaksyunaryng hukbo at pulis sa mga sona at larangang gerilya. Hindi dapat hayaang malayang maglabas-masok ang alinmang yunit ng AFP at PNP sa mga barangay na saklaw ng demokratikong gubyernong bayan nang hindi pinagbabayad nang mahal sa kanilang mga krimen at atrosidad sa mamamayan ng rehiyon.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20180218-pagbati-ng-mgc-sa-opensibang-militar-npa-rizalrn

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.