New People's Army-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 18): AFP, numero unong rapist at lumalabag sa karapatang-tao ng mamamayan
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
18 February 2018
Mariing kinukundina ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog ang mga bastos at walang modo na pahayag ng isang Tenyente Bobis ng 85th Infantry Battalion sa mga komunidad sa Quezon kung saan ipinagmamayabang niyang “yayariin” si Comrade Kathryn kapag nakita ito sa gubat.
Malinaw ang pambubuyo ni Duterte sa kanyang mersenaryong tropang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mga grupong paramilitar na lumabag sa bawat ilulunsad na operasyong militar at pulis. Higit na pinapatunayan ng gobyernong Duterte at AFP-PNP na sila ang numero unong rapist, lumalabag sa karapatan ng mamamayan sa kanayunan at lumalabag sa pandaigdigang makataong batas na sinang-ayunan ng reaksyunaryong Government of the Republic of the Philippines sa United Nations.
Kung gayon, lantad na lantad na sa mamamayan ang pagiging terorista ng estado at AFP-PNP laban sa mamamayang Pilipino hindi lamang sa mga kababaihang mandirigma ng NPA. Mahaba ang listahan ng panghahalay at kasong kriminal ng AFP at PNP sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan tulad ng panggagahasa at pang-aagaw ng mga asawa sa komunidad at ang panghahalay sa mga bangkay, hors de combat at nahuhuling babaeng Pulang mandirigma tulad ng paghubad sa bangkay ng mga babaeng NPA ng Nasugbu 14 noong Nobyembre 2017.
Dapat ipaglaban at ipagtanggol ng mamamayan ang kanilang mga lehitimo at demokratikong karapatan laban sa pandarahas ng reaksyunaryong estado. Sama-sama nating ibagsak ang isang pasista at teroristang rehimen upang itayo ang isang gobyerno na tunay na magtatanggol sa interes ng mamamayan, gumagalang sa karapatan ng kababaihan at ipinagkakaloob ang mga sosyo-ekonomikong kahilingan ng mamamayan.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20180218-afp-numero-unong-rapist-at-lumalabag-sa-karapatang-tao-ng-mamamayan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.