Tuesday, February 20, 2018

CPP/NPA-Rizal: 6 na elemento ng PNP-SAF sa Antipolo City, sugatan sa pananambang ng NPA-Rizal!

New People's Army-Rizal propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 18): 6 na elemento ng PNP-SAF sa Antipolo City, sugatan sa pananambang ng NPA-Rizal!



Macario “Ka Karyo” Sakay, Spokesperson
NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command)

18 February 2018

Matagumpay na nailunsad Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC–NPA- Rizal) ang kontra-atake laban sa nag-ooperasyong tropa ng SAF-PNP sa Sitio San Joseph, San Jose, Antipolo City, Rizal. Ganap na alas 6:40 kaninang umaga, Pebrero 18, nang tambangan ng isang platun ng NPA-Rizal ang 2 sasakyang naka-convoy na may lulan na 28 miyembro at opisyal ng pulisya na nagresulta sa malubhang pagkakasugat ng 6 at pagkasawi ng dalawang elemento ng SAF-PNP habang walang anumang kaswalti sa mga miyembro ng NPA-Rizal.

Ang naambus na mga pulis ay bahagi ng pinagsamang pwersa ng SAF-PNP at 2nd ID-PA na mahigit nang 2 linggong naglulunsad ng kontra-insurhensyang operasyon na sa mga bulubunduking baryo ng Antipolo City, mga bayan ng Baras, Rodriguez at Tanay, Rizal para isagawa ang pangarap ng pasistang rehimeng US-Duterte na durugin ang NPA at buong rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng ipinatutupad nitong kontra-insurhensyang dinisenyo ng Estados Unidos na OPLAN KAPAYAPAAN at upang pigilan at takutin ang mga mamamayang lumalaban sa mga kontra-mamamayan at kontra-katutubong proyekto ng gobyernong Duterte na WAWA-VIOLAGO DAM sa Antipo City at Rodriguez, LAIBAN DAM sa Tanay, ATN-SOLAR ENERGY PROJECT sa Rodriguez, WIND POWER PROJECT sa Pililia, Rizal na magreresulta sa malawakang pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa mga magsasaka at katutubong Dumagat. at Remontado. Ang mga operasyong pulis-militar na ito ay pumipinsala sa buhay at ari-arian ng mga katutubong Dumagat at Remontado, mga setler at mga magsasaka sa lalawigan ng Rizal.

Ang taktikal na opensibang ito ay inilunsad bilang pagdepensa sa sarili ng BHB at ng mamamayan na walang habas na inaatake ng mga pasistang tropa ng PNP-AFP at itinutulak ng Rehimeng US-Duterte na walang nararapat gawin kundi ang magiting na lumaban. Tugon din ito ng BHB sa deklarasyon ng Rehimeng US-Duterte sa Martial Law sa Mindanao, sa walang habas na paninira at pananalakay ng pasistang rehimeng US Duterte sa kababaihan, sa mamamayan at sa Rebolusyonaryong Kilusan. Hindi hahahayan ng BHB na basta na lamang barilin ng AFP-PNP ang ari ng mga kasamang babae ng BHB ng walang laban. Bago nila mabaril ang sinumang kasama babae ay tiyak na makakatikim ang AFP-PNP na magiting na paglaban ng amasona at babaeng NPA.

Bahagi rin ang taktikal na opensibang ito sa mga tugon ng CPP-NPA para biguin ang atake ng pasistang rehimeng US-Duterte laban sa rebolusyonaryong kilusan at ambag na rin ito sa malawak na kilusan ng mamamayan para patalsikin ang rehimeng US-Duterte. Habang nagpapakasasa ang Rehimeng US-Duterte at kanyang mga alipores sa pandarambong sa kaban ng bayan at sa pagpataw ng iba’t ibang pahirap sa mamamayan tulad ng dagdag na buwis dulot ng TRAIN, jeepney phase-out, paglaganap ng kontraktwalisasyon, pagkatuta sa imperyalistang US at China kasabay ng planong pagkonsolida nito sa kamay na bakal na pamumuno sa pamamagitan ng pagbabago ng konstinusyon ng Pilipinas (Cha-Cha) sa tabing ng panawagang pederalismo ay lalong dumarami ang mga mamamayan na namumulat at naghahangad na patalsikin na ang rehimeng US-Duterte. Ang BHB ay gagampanan din ang papel nito na maglunsad ng malaganap na mga taktikal na opensiba para ipagtanggol ang sarili at interes ng mamamayan.

Ikinagagalak ng mga mamamayan ng Lalawigan ng Rizal ang taktikal na opensibang ito. Para sa kanila ay nabigyan din sila ng katarungan sa matagal ng dinaranas na pandarahas ng mga militar at pulisya na pumipinsala sa kanilang buhay at ari-arian. Matagumpay na nailunsad ito sa mainit at malawak na suporta ng mamamayan na hindi kailanman kinakagat ang alok na pabuya ni Duterte na P25,000.00 piso kada mapapatay na NPA. Alam ng mamamayan hindi kailanman mapapatay ang isang mandirigma ng NPA na determinado at tunay na naglilingkod sa sambayanan na handang ialay ang buhay para sa interes ng sambayanan. Isang katotohanan na mas marami ang mga mamamayan na naghaharap ng reklamo sa NPA laban sa mga pwerng militar at pulisya na nang-aabuso sa mamamayan at maramihang pumapatay sa mga mahihirap na pinaghihinalaan adik at tagatulak ng droga habang pinprotektahan ang mga mayayamang druglord at adik tulad ng promotor sa pagpasok ng shabu na nakalabas sa Bureau of Customs (BOC) na nagkakahalaga ng 6.4 Bilyong piso na kinasangkutan ng anak ni Duterte na si Paolo “Pulong” Duterte at manugang nito na si Atty. Manases Carpio na asawa ni Mayor Sara Duterte ng Davao City.

Alam ng mamamayan kung sino ang tunay na hukbo ng mamamayan na kanilang maasahan. Alam nilang gaano man kahaba ang listahan ng ginagawang pang-aapi at pandaras ng AFP-PNP at mga lansakang taga-abuso sa karapatang pantao ay aabutin sila ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong kilusan sa pangungunan ng CPP-NPA. Ang NPA ang tanging armadong hukbo sa Pilipinas na dadamay at magtatanggol sa interes ng mamamayang Pilipino laban sa pananalakay at pang-aapi ng pasistang rehimeng US-Duterte.

MABUHAY NG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.