New People's Army-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 18): P25,000 bounty sa bawat Pulang mandirigma, desperadong hakbang ni Duterte
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
18 February 2018
Nangangarap nang gising si Duterte kung inaakala niyang ipagkakanulo ng sambayanang Pilipino ang buong rebolusyonaryong kilusan kapalit ang P25,000 pabuya sa bawat mapapatay na miyembro ng New People’s Army (NPA) o sinumang simpatisador, pinaghihinalaang taga-suporta o kasapi ng rebolusyonaryong kilusan.
Kahit milyun-milyong piso pa ang ialok ni Duterte, hindi ipagpapalit ng sambayanang Pilipino ang pera sa bawat Pulang mandirigma dahil malinaw sa mamamayan kung sino ang tunay nilang tagapagtanggol at hukbo ng bayan. Ang NPA ay malapit sa masa at taos-pusong naglilingkod para sa kanilang interes. Batid ng mamamayan na katuwang nila ang NPA sa bawat laban sa estado at kaagapay sa bawat tagumpay ng kanilang pakikibaka.
Ang NPA ay nananatiling nagtatamasa ng papalawak at papalalim na suporta ng masang anakpawis. Patuloy itong lumalaki at lumalakas sa buong bansa, patunay na walang pagkasaid ang suportang tinatamasa nito sa sambayanang Pilipino.
Sa kabilang banda, nanganganib ang buhay ng mamamayan lalo ang mga aktibong nakikibakang grupo, organisasyon, indibidwal at mga etnikong grupo tulad ng Moro at Lumad sa ipinahayag ni Duterte. Lalong nitong binibigyan ng awtoridad ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang grupong paramilitar na pumaslang sa ngalan ng pera. Gagatungan lamang ng pahayag ni Duterte ang mga ganid, mersenaryo at militaristang AFP, PNP at paramilitar.
Kung gayon, dapat humanda ang mamamayang Pilipino sa papatinding atrosidad ng berdugong AFP-PNP. Kailangang patuloy silang lumaban at magkaisa sa bawat atake ng mga pwersang panseguridad ng pasista at tiranong estado. Higit sa lahat, marapat nang patalsikin at ibagsak ang rehimeng US-Duterte at itayo ang demokratikong gobyernong bayan na tunay na maglilingkod sa interes ng mamamayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.