From ABS-CBN (Sep 10): Heavy equipment para sa pag-ayos ng Marawi, nasa Mindanao na
Naihatid na sa katabing-bayan ng Marawi ang mga heavy equipment na gagamitin sa pagsasaayos ng lungsod, kasama ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga residente. Joint Task Force Marawi
Dumating na sa Iligan port Linggo ang ilang heavy equipment na gagamitin para sa rehabilitasyon ng Marawi City, na nawasak ng mahigit 3-buwan na digmaan sa pagitan ng gobyerno at mga terorista.
Lulan ng BRP Davao del Norte ang mga heavy equipment ng Philippine Army at Navy. Kabilang dito ang ilang payloader at back hoe.
Gagamitin ang mga ito sa pagtatayo ng mga pansamantalang tahanan sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan, partikular na sa Barangay Sangonsongan, ayon kay Lt. Gen Carlito Galvez, hepe ng Western Mindanao Command.
Pansamantalang mananatili ang mga heavy equipment sa Balo-i, Lanao del Norte, katabing-bayan ng Marawi.
Naihatid na sa katabing-bayan ng Marawi ang mga heavy equipment na gagamitin sa pagsasaayos ng lungsod, kasama ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga residente. Joint Task Force Marawi
Bukod sa heavy equipment, nagdala rin ang BRP Davao del Sur ng mga relief goods, hygiene kit at laruan para sa mga batang bakwit.
Una nang tinanggihan ng pamahalaan Biyernes ang anumang alok na negosaysyon ng mga terorista mula sa Maute group upang tuldukan ang digmaan sa Marawi na pumutok nitong Marso 23.
Naihatid na sa katabing-bayan ng Marawi ang mga heavy equipment na gagamitin sa pagsasaayos ng lungsod, kasama ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga residente. Joint Task Force Marawi
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inaasahang matatapos ang kaguluhan ngayong Setyembre.
Halos 800 na ang nasawi sa digmaan, kabilang ang 133 sundalo at pulis. Napilitan naman ang tinatayang 200,000 residente na lisanin ang kanilanga mga tahanan sa Marawi, na dati'y isa sa mga sentro ng kalakalan sa Mindanao.
http://news.abs-cbn.com/news/09/10/17/heavy-equipment-para-sa-pag-ayos-ng-marawi-nasa-mindanao-na
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.