NPA-Cagayan Valley propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Sep 8): Pamamarusa sa 84th IB na protektor ng dayuhang pagmimina sa Kasibu
Victor Servidores, Spokesperson
NPA-Cagayan Valley (Region II) (Fortunato Camus Command)
8 September 2017
Ang ambus na isinagawa ng Venerando Villacillo Command-NPA noong Setyembre 1 ay bahagi ng pamamarusa ng NPA sa 84th IB na matagal nang nagsisilbi bilang mga protektor ng interes ng dayuhang mapaminsalang pagmimina sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa naturang ambus sa Barangay Dine, nasamsam ng mga Pulang mandirigma ang tatlong M16 at isang K3 na mga riple. Napatay ang mga Corporal na sina Jayson Sabado at Rusty Galan, SSgt Dexter Tagacay, at PFC Abraham Lindo. Sugatan naman si Corporal Gerby Soriano.
Ang kanilang tropa ay nagsasagawa ng operasyong militar upang takutin ang mamamayan na tumigil sa paglaban sa pagmimina sa kanilang lugar nang ambusin sila ng NPA. Nakakampo ang kinamumuhian ng masang 84th IB sa Sityo Upper Maglan sa nasabing barangay.
Mayaman sa ginto at tanso, ang lupain ng Nueva Vizcaya ay malaon nang kinakamkam at pinipinsala ng mga dayuhang kompanya sa pagmimina gaya ng OceanaGold Philippines, Inc at Royalco. Kapalit ng kanilang higanteng ganansya, nabaon sa lason ng basura sa pagmimina ang daanlibong ektarya ng palayan, gulayan at tirahan ng mamamayan doon.
Matagal nang hiling ng mamamayan ng Nueva Vizcaya na maparusahan ang dayuhang mga kompanya na nananalasa sa kanilang buhay at kabuhayan. Gayundin na hiling nilang maparusahan ang 84th IB na nagsisilbing protektor nito. Ikinagagalak nilang marinig ang mga putok ng pamamarusa ng NPA sa mga kaaway ng sambayanan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.