Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7): Trabaho, disenteng sahod at pabahay
Sigaw sa Mayo Uno 2017
Tinatayang 100,000 manggagawa at maralitang lunsod ang bumuhos sa lansangan sa iba’t ibang syudad at bayan sa okasyon ng ika-113 Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno. Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, iginiit ng mga raliyista ang pagtatakda ng pambansang minimum na sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon at pamamahagi ng libreng pabahay sa maralita. Ipinaabot din nila ang matinding pagkadismaya sa mga patakarang neoliberal ng rehimen.
Iginigiit ng mga manggagawa na makatarungan ang kanilang hinihinging pagtatakda ng pambansang minimum na sahod na P750/araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P16,000/buwan para sa pampublikong sektor. Alinsunod sa pananaliksik ng Ibon Foundation, ang gayong umento ay katumbas ng P447 bilyon o 27% ng kabuuang kita ng lahat ng mga negosyo ang hinihingi ng mga manggagawa. Nasa P1.63 trilyon kada taon ang kinita ng pinakamalalaking 1,000 korporasyon sa Pilipinas.
Ang pagtatakda ng minimum na sahod ay mangangahulugan ng dagdag na P8,332/buwan sa kasa-lukuyang sahod ng mga mang-gagawa o P108,316/taon, kasama ang 13th month pay. Kailangang-kailangan ang halagang ito para maibsan ang kahirapan nila at ng kanilang mga pamilya.
Kasabay ng paggunita sa ika-113 Araw ng Paggawa, ginunita rin ng mga manggagawa ang sentenaryo ng Rebolusyong Oktubre ng Russia na nagluwal ng pinakaunang sosyalistang estado sa pamumuno ng proletaryado. Ipinagdiwang din ng KMU ang ika-37 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. Naitatag ang sentro ng paggawa sa isang pagtitipon ng 30,000 manggagawa sa Quezon City sa ilalim ng diktadurang Marcos noong 1980.
Sa Metro Manila, umabot sa 50,000 mamamayan ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio para sa programang dinaluhan ng mga kinatawan ng progresibong partido sa kongreso at myembro ng gabinete. Kabilang sa mga lumahok ang mga maralita mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Sumama rin ang malaking bilang ng mga maralita mula sa Bulacan na nagsagawa ng okupasyon ng mga bakanteng bahay sa Pandi noong nakaraang buwan. Lumahok din ang 200 magsasaka mula sa Madaum, Tagum City na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa sariling lupa. Tumungo ang mga demonstrador sa embahada ng US para kundenahin ang mga patakarang neoliberal na ipinapataw ng US sa bansa, partikular ang pleksibilisasyon at liberalisasyon sa paggawa. Bandang hapon, tumungo ang mga raliyista sa Mendiola, harap ng Malacañang.
Sa Bicol, mahigit 15,000 myembro ng KMU at iba pang pambansa-demokratikong organisasyon ang nagmartsa sa mga sentrong lunsod ng Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon at Masbate.
Sa Davao City, umabot sa 10,000 manggagawa, kabilang ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang lugar ng Mindanao, ang tumungo sa Peo- ple’s Park para kausapin si Pres. Rodrigo Duterte ng GRP. Binalak nilang ihapag ang mga kahilingan ng KMU at masang manggagawang Pilipino.
Sa Crossing Calamba, Laguna, nagtipon ang 10,000 manggagawa mula sa iba’t ibang engklabo ng paggawa sa rehiyon sa pamumuno ng Pamantik-KMU. Bago ang programa, naglunsad ng mga pagkilos sa Sta. Rosa, Cabuyao, Los Baños at Calamba para manawagan sa mga residente na dumalo sa pagtitipon.
Sa Baguio, pulang-pula ang nagkakaisang hanay ng manggagawa at mamamayan sa paglaban sa mga neoliberal na atake sa paggawa. Sa Angeles City, libu-libo ang nagmartsa mula sa Clark Air Base tungo sa sentro ng syudad. Nagkaroon din ng mga pagkilos sa Tacloban, Cebu, Iloilo, Aklan, Bacolod, Cagayan de Oro, Butuan, Surigao at General Santos City.
Noong Abril 30, may 7,000 maralita mula sa Bulacan ang hinarang ng PNP sa Balintawak. Bumibyahe sila noon patungong Metro Manila para lumahok sa kontra-ASEAN na pagkilos sa araw na iyon at sa pagkilos sa Mayo Uno kinabukasan.
Noong Abril 30, naglunsad ng piket ang mga manggagawa sa harap ng embahada ng US kasabay sa ika-30 pagpupulong ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Pangunahing adyenda ng ASEAN ang pagbubuo at pagpasa ng Regional Comprehensive Economic Partnership na magtutulak ng dagdag na liberalisasyon sa mga lokal na ekonomya at iba pang neoliberal na patakaran.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017may07-trabaho-disenteng-sahod-at-pabahay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.