Friday, June 17, 2016

TRADOC, may bagong kumander

From the Philippine Information Agency (Jun 17): TRADOC, may bagong kumander (TRADOC, has a new commander)

Pormal nang naupo kaninang hapon si Brigadier General Herminigildo Francisco Aquino bilang bagong pinuno ng Army Training and Doctrine Command o TRADOC.

Kanyang pinalitan si Major General Ivan Samarita na nagretiro na.

Si Aquino ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maharlika” Class of 1984.

Sinabi ni TRADOC Public Information Officer LTC. Oscar Partuza na sa ilalim ng pamumuno ni Samarita ay nakamit ng Army school ang Proficient Stage sa Army Governance Pathway na nagbigay daan upang mapalapit ito sa hangaring maging world-class training institution pagsapit ng 2022.

Bago magretiro si Samarita, ilang aktibidad ang idinaos ng TRADOC kabilang na ang fun bike, fun run, tree planting, at testimonial dinner.

Ang ginanap na Change of Command ceremony ay pinangunahan ni Army chief Lieutenant General Eduardo Año.

http://news.pia.gov.ph/article/view/561466170222/tradoc-may-bagong-kumander

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.