From the Philippine Information Agency (Jun 14): Tagalog News: NPA surrenderees inaasam ang pagtanggap ng suporta sa pamahalaan sa pamamagitan ng CLIP (Surrenderees look forward to receiving government support through CLIP)
Hangad ngayon ng mga former rebels na sumuko galing sa bandidong grupo na new peoples army (NPA) sa Surigao del Sur na makatanggap ng agarang tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng comprehensive local integration program (CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa pakikinayam sa dating rebelde na si Jomar Gano, 24-anyos, na taga Lianga, Surigao del Sur na simula pa noong Marso 16 nitong taon buhat ng siya’y kusang umalis mula sa teroristang grupo bilang vice platoon lider ay wala pa rin siyang natanggap na kaukulang benepisyo sa nasabing programa.
Hiling umano niya na maibigay na ito kasama na ang iba pang mga nagbalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ng pinansyal na suporta para makapagsimula sila ng panibagong buhay. Anya, mas makabubuti na sa pamamagitan nito ay matugunan ang anumang nakasaad sa comprehensive local integration program nang sa gayun ay mas lalong mahikayat ang iba pang miyembro ng NPA na tumigil na sa pag-alsa laban sa gobyerno.
Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng DILG na ginagawa na nila ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan para mapabilis ang pagpoproseso ng pagbibigay ng benepisyo para sa mga former rebels. Anya, kung makukumpleto na ang mga kinakailang dokumento ay agad-agad naman nila itong ibibigay.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2761465969319/tagalog-news-npa-surrenderees-inaasam-ang-pagtanggap-ng-suporta-sa-pamahalaan-sa-pamamagitan-ng-clip
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.