Thursday, April 7, 2016

Army Commanding General Año, nagbigay hamon sa bagong kumander ng Artillery Regiment

From the Philippine Information Agency (Apr 6): Army Commanding General Año, nagbigay hamon sa bagong kumander ng Artillery Regiment

Binigyang hamon ni Army Commanding General Lieutenant General Eduardo Año ang bagong hepe ng Army Artillery Regiment o AAR matapos dumalo bilang panauhing pandangal sa nakaraang Change of Command ceremony.

Ayon kay Año, malaki ang gampanin ng mga artillery units sa pagsugpo ng insurgency at pagpapatibay ng kapayapaan lalo sa bahagi ng Mindanao.

Kaya naman hinihiling niya kay AAR Commander Colonel Erwin De Asis ang mas pinaigting na pagpapalakas sa kapabilidad ng AAR at pagpapabuti ng war fighting competency ng mga artilyero.

Aniya, kinakailangang pag-isahin ang pwersa ng hukbong katihan gayundin ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa mga nasasakupang stakeholder na mahalagang sangkap sa patuloy na pagtamo ng pangkalahatan at pangmatagalang pangkapayapaan sa bansa.

Ipinaunawa din ni Año ang nararapat na katayuan ng hukbong katihan sa nalalapit na pambansang halalan na dapat ay manatiling neutral at impartial, maging maingat at mapagbantay sa anumang uri ng panganib na maaaring magdulot ng kapahamakan sa komunidad.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati ay nabanggit ni Año na bagamat hindi madali ang mga inisyatibong  inihanay ay lubos ang kaniyang pagtitiwala sa pamunuan ni Colonel De Asis at sa bumubuo ng AAR na maipagpapatuloy at madadagdagan pa ang mga napagtagumpayan ng rehimen.

Samantala, tumatayong pang-anim na kumander ng AAR si Colonel De Asis na humalili kay Acting Commander Colonel Agane Adriatico na siya namang uupo bilang kanyang Assistant Commander.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961459761173/army-commanding-general-a-o-nagbigay-hamon-sa-bagong-kumander-ng-artillery-regiment

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.