Mindanao Examiner (Feb 9): Militar takot kay Nur Misuari!
Nabahag na naman – sa ikalawang pagkakataon – ang buntot ng militar upang madakip si Nur Misuari, lider ng Moro National Liberation Front, matapos itong makipagpulong sa mga commander at miyembro nito sa Sulu province.
Bagama’t alam ng militar ang naturang pagpupulong sa bayan ng Indanan bago pa man ito maganap kamakalawa ay wala naman ginawa ang awtoridad na dakpin si Misuari na wanted ng batas dahil sa atake ng MNLF sa Zamboanga City noon 2013 na ikinamatay ng maraming katao.
Tinatayang 2000 ang dumalo sa nasabing pulong at kabilang sa kanila ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na kung saan ay pinagusapan ang kabiguan ng pamahalaang Aquino na maisulong ang proposed Bangsamor Basic Law ng bahagi ng peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front.
Kasama ni Misuari ang kanyang anak na si Karim na siyang papalit sa kanya. Nitong Enero lamang ay pinulong rin ni Misuari ang mga commander at tauhan sa Sulu at hindi rin siya dinakip ng militar at sa halip ay iginiit na pulis ang dapat umaresto sa wanted na lider.
Subali’t maraming mga arestong ginawa ang militar sa hanay ng Abu Sayyaf kahit walang arrest warrant sa Sulu sa mga nakalipas na operasyon.
http://mindanaoexaminer.com/militar-takot-kay-nur-misuari/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.