Thursday, February 12, 2015

CPP/NPA: Tinatakot ng militar ang saksi sa pagdukot kay Edwin Anuran

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Feb 12):
Logo.bhb
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
 
NATATAKOT tumestigo ang kaisa-isang saksi sa pagdukot ng mga sundalo ng reaksyunaryong gobyerno kay Edwin Anuran, dating myembro ng NPA, na hanggang ngayon ay hindi pa rin inililitaw ng mga salarin.

Si Elena Gacos Estañol, isang konsehal ng Barangay San Jose, Bulusan, Sorsogon ay kasama ni Anuran nang dukutin sila ng mga sundalo noong Enero 30. Halos 24 oras na hinawakan ng militar si Estañol bago siya pakawalan kinabukasan. Bilang tanging saksi sa pangyayari, siya ang makapagpapatunay na mga tropa ng reaksyunaryong gobyerno ang dumukot sa kanila at patuloy na nagdedetine kay Anuran.

Ani Estañol, may banta ang militar sa kaniya at kaniyang pamilya kaya nag-aatubili siyang tumestigo sa petisyon para sa habeas corpus na nais isampa ng pamilya ni Anuran sa husgado.

Patuloy na nakalagay sa panganib ang buhay ni Edwin Anuran hangga’t hindi siya inililitaw. Proteksyon din ang kailangan ni Elena Estañol para mahikayat siyang tumestigo at tumulong sa paghahanap sa biktima.

Nananawagan kami sa lokal na gobyerno ng Bulusan na bigyan ng kinakailangang ayuda si Estañol. Kung mismong isang upisyal ng barangay katulad niya ay pwedeng takutin nang gayon na lamang ng mga tropa ng gubyerno, ano pang proteksyon ang aasahan ng mga ordinaryong sibilyan?

Hinihiling din namin sa mga nagmamalasakit na kagawad ng midya at mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao na ibigay ang lahat ng tulong sa testigo at sa pamilya ng biktima sa ikalulutas ng usaping ito.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20150212_tinatakot-ng-militar-ang-saksi-sa-pagdukot-kay-edwin-anuran

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.