Sunday, September 21, 2014

CPP/Ang Bayan: SOMO, hiniling sa Bukidnon

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Sep 21): SOMO, hiniling sa Bukidnon [Suspension of Military Operations (SOMO), requested in Bukidnon]

Nanawagan ang ilang mga upisyal ng reaksyunaryong gubyerno at taong-simbahan sa rehimeng Aquino at sa AFP na ipag-utos ang suspensyon ng mga opensibong operasyong militar (SOMO) sa prubinsya ng Bukidnon upang bigyang-daan ang pagpapalaya sa mga bihag ng digma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona Jr., tagapangulo ng komite ng Senado sa kapayapaan at kaayusan, sumulat na siya kay Aquino at sa kalihim sa depensa na si Voltaire Gazmin upang ilatag ang gayong kahilingan.

Ang dalawang bihag ng digma ng BHB ay sina Pfc. Marnel Tagalugon Cinches at Pfc. Jerrel Hapay Yorong, kapwa mga pwersa ng 8th IB. Nadakip sila ng BHB noong Agosto 22.

Ayon kay Ka Alan Juanito, hindi na nila isasailalim sa normal na imbestigasyon at proseso ng rebolusyonaryong hustisya ang dalawang bihag bilang pagpapakita ng kagandahang-loob sa layuning itulak ang pagsisimulang muli ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at ng GPH (Gubyerno ng Pilipinas).

Nanawagan si Juanito na ipatupad ang SOMO sa San Fernando, Cabanglasan, Malaybalay City, Impasug-ong, Manolo Fortich at Malitbog sa Bukidnon; at sa Claveria, Balingasag at Gingoog City sa Misamis Oriental. Kaagad na tutumbasan ng BHB ang magiging SOMO ng AFP at titiyakin ang pagpapalaya sa mga bihag.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140921/somo-hiniling-sa-bukidnon

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.