Walong armas ang nasamsam, isang sundalo ang napatay at hindi bababa sa pito ang nasugatan sa serye ng mga aksyong militar na inilunsad ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa North Central Mindanao Region noong Agosto 21-30. Walang kaswalti sa panig ng BHB sa mga labanang ito.
Kabilang sa mga nasamsam na sandata ang tatlong ripleng kal .22, isang kal .45 na pistola at apat na shotgun.
Dalawang sundalo ng 52nd Engineering Brigade ang nasugatan nang pasabugan ng command-detonated explosive o CDX ng isang yunit ng BHB ang sinasakyan nilang dump truck sa Barangay Can-ayan, Malaybalay City noong Agosto 22.
Isang araw bago ito, isang sundalo ang napatay nang paputukan ng isang tim ng BHB ang detatsment ng 8th IB sa Barangay St. Peter, Malaybalay City.
Noong Agosto 26, hindi bababa sa dalawa ang nasugatan sa mga elemento ng Special Forces ng Philippine Army matapos salakayin ng mga Pulang gerilya ang packing plant ng Del Monte Pineapple Plantation sa Barangay Sil-ipon, Libona, Bukidnon. Ang nasabing yunit-militar ang nagsisilbing protektor ng Del Monte.
Kinabukasan, hinaras ng isang yunit ng BHB ang nagpapatrulyang platun ng paramilitar na Alimaong sa Mamatu, Barangay, Minalwang, Claveria, Misamis Oriental. Nagtamo ng di mabatid na bilang ng kaswalti ang mga paramilitar.
Noong Agosto 28, dinisarmahan ng BHB si Mr. Benhur, isang illegal logger sa Sityo Bugta, Barangay Ginabsan, Buenavista, Agusan del Norte. Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang kal .22 na ripleng may teleskopyo, isang kal. 45 na pistola, mga bala ng M16 at dalawang uniporme ng militar.
Kinabukasan, nagtamo ng di pa malamang bilang ng kaswalti ang militar nang atakehin ng isang tim ng BHB ang detatsment ng Philippine Army-Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) sa Barangay Comota, La Paz, Agusan del Sur.
Noong Agosto 30, dalawang operasyong disarma ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma sa Manolo Fortich, Bukidnon. Sa unang operasyong disarma, nasamsam ang tatlong shotgun mula sa mga gwardya ng mangangamkam ng lupa na pamilyang Villarosa, may-ari ng Pineapple Country Home Subdivision sa Barangay San Miguel. Sa pangalawang disarma, isang ripleng kal .22, isang shotgun at tatlong kahon ng iba’t ibang klaseng bala ang nakumpiska mula kay (ret.) Colonel Quaiwit dahil sa paggamit niya ng armas sa pananakot sa mga residente.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist
Party of the Philippines
and is issued by the CPP Central
Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis
of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is
published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140921/9-aksyong-militar-inilunsad-sa-ncmr
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.