Sunday, September 21, 2014

CPP/Ang Bayan: “Lumad manifesto,” pakana ng AFP

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Sep 21): “Lumad manifesto,” pakana ng AFP ["Lumad (indigenous people) manifesto," Armed Forces of the Philippines (AFP) scheme]

Pilit na pinapirma ng AFP, mga paramilitar na Alamara at lokal na gubyerno ng Kapalong, Davao del Norte ang mga lider-Lumad sa mga komunidad sa hangganan ng Davao del Norte, Compostela Valley at Agusan del Sur ng isang bogus na manifesto na nagdedeklara ng “awtonomya ng mamamayang Lumad” laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Noong Setyembre 1-2, inimbitahan sa isang pulong ang mga lider-Lumad sa lugar, subalit hindi sinabi sa kanila kung ano ang pag-uusapan. Nagulat na lamang sila nang biglang maglabas ng isang “computer print-out” na pahayag si Larris Mansaloon, pinuno ng Alamara, na kumukundena sa mga sakahang komunal ng mga Lumad, dahil pilit daw pinagtatanim dito ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang mga minorya para may pagkain ang mga Pulang mandirigma. Binaluktot ng manipesto ang katotohanan na malaki ang naitulong ng mga komunal na sakahan para maibangon ang produksyon at kabuhayan ng mga Lumad matapos sila masalanta sa bagyong Pablo noong 2012 at maging biktima ng sukdulang kapabayaan ng reaksyunaryong gubyerno.

Nanawagan ang manipesto ng “awtonomya” laban sa rebolusyonaryong kilusan. Awtomatikong idineklara na lahat ng mga dumalo sa pulong at pumirma sa manipesto ay mga myembro na ng Alamara. Kabilang sa mga pinapirma ay mga biktima ng militarisasyon na hindi na nakatanggi dahil sa takot na mapag-initan ng Alamara.

Samantala, dahil sa matagalan nang teroristang presensya ng 60th, 68th at 46th IB sa lugar ay malaon na ring hindi naaasikaso ng mga Lumad ang kanilang mga sakahan.

Pilit ngayong pinapawi ng AFP ang pagsusulong ng produksyon sa mga komunidad ng Lumad. Masahol pa, sa pamamagitan ng Alamara ay ginagamit ng AFP ang masang Lumad para wasakin ang kanilang pagkakaisa at labanan ang rebolusyonaryong kilusan.

Nanawagan ang National Democratic Front sa Southern Mindanao Region sa masang Lumad at magsasaka na ipagtanggol ang kanilang mga pinaghirapang tagumpay at ang kanilang mga lupang ninuno laban sa pananalasa ng militar at mga kakutsabang Alamara at lokal na reaksyunaryong gubyerno. Paiigtingin din ng BHB ang mga taktikal na opensiba laban sa kaaway upang madala sa mas mataas na antas ang digmang bayan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140921/lumad-manifesto-pakana-ng-afp

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.