Nagtamo ng tatlong kaswalti ang 47th IB (dalawang patay at isang sugatan) nang tambangan sila ng isang yunit sa ilalim ng Apolinario “Boy” Gatmaitan Command ng BHB noong Hulyo 17 sa Sityo Madaha, Barangay Buenavista, Himamaylan City sa Negros Occidental. Nakasamsam din ang BHB ng dalawang M16 at dalawang bandolier ng mga bala.
Samantala, sa Sorsogon, nagsagawa ang Celso Minguez Command ng aksyong pamarusa laban sa lambat-paniktik ng 96th Military Intelligence Company (MICO) noong Hulyo 3 sa Barangay Casay, Casiguran. Napatay ng BHB si Domingo Tisoy, alyas Buyong, isang sagadsaring ahente ng 96th MICO.
Isinagawa ang operasyong partisano sa tapat mismo ng detatsment ng Alpha Coy habang nakikipag-inuman si Tisoy kasama ang mga sundalo ng 31st IB. Nasugatan din sa palitan ng mga putok ang isang Corporal Deprisa, na tumatayong hepe ng nasabing detatsment.
Bilang aktibo ring elemento ng CAFGU, madalas maggiya si Tisoy sa mga operasyong militar at sangkot siya sa ilang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang, kabilang ang pagpatay kay Joseph Benson, isang sibilyang inakusahan nilang “poste” ng BHB sa Barangay Escuala, Casiguran noong Mayo 9, at kay Jose Espera sa Barangay Bentuco, Gubat noong Hunyo 15, 2008. Pinalabas ng militar na kasapi umano ng BHB si Espera.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140907/2-m16-naagaw-ng-bhb-sa-himamaylan-city
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.