Friday, August 8, 2014

Pinuno ng 7ID, napromote

From the Philippine Information Agency (Aug 8): Pinuno ng 7ID, napromote (Head of 7ID, promoted)

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Maninilbihan na bilang Major General ang pinuno ng Army 7th Infantry Division (7ID) na si Glorioso Miranda matapos aprubahan ang kanyang promosyon.

Pinangunahan ni Army Commander Lieutenant General Hernando Delfin Carmelo Iriberri ang paggawad ng two-star general rank kay Miranda kasabay ng pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng 7ID kamakailan.

Ayon kay Miranda, ang naturang promosyon ay may kaakibat na karagdagang responsibilidad at pananagutan.

Inialay niya ito sa lahat ng sundalong bahagi ng 7ID sabay paghihikayat sa kanila na ituloy lamang ang misyong makapagbigay serbisyo’t tulong sa mga kababayan at karangalan sa bansa.

Miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983, si Miranda ay naupo bilang ika-24 pinuno ng 7ID noong Marso kahalili ng kabatchmate na si Iriberri.

Saklaw ng 7ID ang mga Army Brigades at Battalions sa rehiyong Ilocos at Gitnang Luzon.

http://news.pia.gov.ph/index.php?article=1961407310867

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.