Posted to the Kalinaw News Facebook Page (Aug 29, 2023): Three NPAs surrendered to the leadership of 37IB in Lebak, Sultan Kudarat
Three NPAs surrendered to the leadership of 37IB in Lebak, Sultan KudaratRead: https://bit.ly/44NiyIp
3 Pang Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa Sultan Kudarat
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Bitbit ang kanilang mga kagamitang pandigma, iniharap ng tatlong mga komunistang terorista ang kanilang mga sarili sa pamunuan ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion sa Camp Betita, Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Gutom, pagod, hirap at ang pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na matagal nang hindi nila nakasama ang mga pangunahing dahilan ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Wala na rin umanong matinong direksyon ang kanilang armadong pakikipagdigma laban sa pamahalaan at unti-unti na ring nabubuwag ang kanilang kilusan bunga ng patuloy na pakikipagdayalogo at mas pinalakas na opensiba ng militar.
Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, ang Commanding Officer ng 37IB, ang mga nagbalik-loob nitong ika-27 ng Agosto ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Beijing Pltn, SRC Daguma kung saan sabay din nilang ibinaba ang bitbit nilang mga kagamitang pandigma na kinabibilangan ng: isang 5.56MM Bushmaster M16A1 rifle, isang SMG 9mm Uzi at isang 5.56mm Colt M16 rifle.
Dahil dito, pinuri ni Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Brigade ang patuloy na pagsisikap ng bawat Conqueror troopers na puksain ang insurhensiya sa kanilang nasasakupan sa mapayapang pamamaraan.
Nagpahayag din ng kanyang pagpuri si Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga pagsisikap na ito ng 37IB sa ilalim ng 603rd Brigade upang bigyang daan na mapalago ang patuloy na sumisibol na katahimikan at kapayapaan. “Inyo ng nakikita ang kaibahan kung kayo ay tutugon sa layuning kapayapaan ng ating pamahalaan, ligtas kayong mamuhay na kasama ang inyong mga mahal sa buhay, kaya patuloy ang aking panawagan sa mga kasamahan ninyo na magbalik-loob na sa gobyerno at tulungan nating paunlarin ang ating bayan”, wika ni Maj. Gen. Rillera.
#kampilannews
#kampilankakampiyan
#kakampisakapayapaan
#KapayapaanParaSaLahat
#ServingthePeopleSecuringtheLand
#AFPyoucanTRUST
#kampilankakampiyan
#kakampisakapayapaan
#KapayapaanParaSaLahat
#ServingthePeopleSecuringtheLand
#AFPyoucanTRUST
Mga Kakampi, please like, share, and Follow our social media accounts
FB: https://www.facebook.com/kampilantroopers
TWITTER: https://twitter.com/6kampilan
INSTAGRAM: https://www.instagram.com/6thkampilan/
YOUTUBE: https://www.youtube.com/@KAMPILAN-NEWS/videos
TIKTOK: https://www.tiktok.com/@6idkampilan?lang=en
WEBSITE: https://army.mil.ph/6id/
THREADS: https://www.threads.net/@philippinearmy
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.facebook.com/kampilantroopers/posts/pfbid0FNV6jH8kFfgZ89Jeju9tuBux9nkAuaRuPpPXYsxxw3xHZdS35QEqQnwBWHXZXv9Cl?fbclid=IwAR1NbxQQlBZNaiuyYzPPQG_cBRYkEsi2zdYD815WYakIaEv2qnRiEdvEoPA
https://www.facebook.com/kalinawnews/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.