Posted to the Kalinaw News Facebook Page (Aug 26, 2023): 3 BIFF members surrender to 90IB in Pikit, Cotabato
Poverty and tiredness in the pursuit of the government motivated 3 BIFF members to surrender CSP-PCVE Operators of 90IB in Pikit, CotabatoRead: https://bit.ly/47Mral8
PIKIT, COTABATO – Buong pusong tinanggap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pikit, Cotabato at ng 602nd Infantry (Liberators) Brigade, 6ID, PA ang tatlong (3) miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter- Karialan Faction (BIFF-KF) ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa tulong ng Community Support Program Operators ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion katuwang ang 34th Infantry (Reliable) Battalion na ginanap sa Himpilan ng 90IB, 6ID, PA, Brgy Ladtingan, Pikit Cotabato noong ika-18 ng Agosto 2023.
Batay sa rebelasyon ng tatlong nagbalik-loob, ang kanilang kagustuhang mamuhay ng matiwasay at walang pangamba sa kanilang kaligtasan ang syang pangunahing dahilan ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan. Itinuturing din nilang dahilan ng kanilang pagbabalik-loob ay ang dinanas nilang hirap at pagod sa pagtatago sa pwersa ng pamahalaan; kawalan ng klarong patutunguhan ng kanilang ipinaglalaban at ang nakitang sensiridad ng gobyerno sa usaping pangkapayapaan at ang gumagandang buhay at oportunidad na magkaroon ng ikalawang pagkakataong magbagong buhay ang mga nagbalik-loob na katulad rin nilang biktima ng maling ideolohiya.
Kasabay sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan ay ang pagsuko ng kanilang mga armas na dalawang (2) US Garand Rifle at isang (1) Cal.50 Barrett Rifle kay Hon. Sumulong K. Sultan, Alkalde ng Pikit, Cotabato; COL NEIL ROLDAN INF (GSC) PA, Deputy Brigade Commander ng 602nd Infantry (Liberators) Brigade, 6ID, PA; LTC ROWEL E GAVILANES INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, 6ID, PA; MAJ RAUL B OBAOB (INF) PA, Executive Officer, 34IB, 11ID, PA at P/LTC ARGEL NAVOS ANCHETA, Officer In-Charged, RMFB 14 ng BARMM.
Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pikit, Cotabato, nakatangap ng agarang tulong pinansyal ang tatlo (3) na nagbalik-loob na syang gagamitin nilang panimula sa kanilang bagong buhay sa lipunan at kanilang pamilya. Sila din ay irerehistro sa Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit (TUGON) na programa ng BARMM na may layuning mabigyan ang mga nag balik-loob ng karagdagang pangkabuhayan para sa mas produktibong pagbabalik sa pamayanan.
Ayon kay LTC ROWEL E GAVILANES INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 90IB na nananatiling bukas ang tanggapan ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion sa mga miyembro ng BIFF-KF at iba pang teroristang grupo na biktima ng maling paniniwala na ibaba na ang kanilang armas at magbalik-loob sa pamahalaan upang sila ay magkaroon ng bagong buhay alang-alang sa ikakatahimik ng ating pamayanan tungo sa inaasam na kapayapaan.
90IB, Alpha "Agila" Company
90IB Bravo Badgers Company
90IB Charlie "Knights" Company
602nd Infantry Liberator Brigade 6ID, PA
6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Mayor Sumulong K. Sultan and The PikiteƱos
LGU Pikit
89.7 Dear FM - Kabacan
#StrongerArmyStrongerCountry
#AFPyoucanTRUST
#ArmyTransformationRoadmap
#KapayapaanParaSaLahat
#ServingthePeopleSecuringtheLand
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
https://www.facebook.com/90IBBigkisLahi/posts/pfbid0LYGKMRgbS6VY9U9GFTJuGjbjruDHZdFvWtRmFKULft75xoj4nUoh38Xn8wqxErVKl?fbclid=IwAR1dnjC5sIAe-qf7Gevijxe09vkNwWVzKzqrp3bIfIRPUVNIDts_xKF_9xc
https://www.facebook.com/kalinawnews/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.