Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Nov 27, 2022): Pagbisita ni Kamala Harris, mapanlinlang at mapagpanggap! (Kamala Harris visit, deceitful and pretentious!)
Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka)National Democratic Front of the Philippines
November 27, 2022
Ang pagtapak ni USVP Kamala Harris sa bansa ay nagdulot ng samo’t saring kahulugang pampulitika at pang-ekonomiya. Hindi ito ang unang beses na lumapag sa bansa ang isang lider ng imperyalistang Estados Unidos. Ngunit may natatangi sa naunang pagdalaw ng ikalawang pangulo ng Imperyalistang US sa ilalim ng pamumuno ni Marcos Jr. Matatandaang sa pamumuno ng kanyang amang diktador, isa sa mga unang diplomatikong bisita ng kanyang rehimen ang bise-presidente rin ng US na si Spiro Agnew. Eskandaloso at marahas ang pagbisitang ito na nagdulot ng mga paglabag sa karapatang pantao lalo pa ng mga kabilang sa kilusang kabataan-estudyante. Iligal na pinadampot at pinakulong ng pasistang rehimen ni Marcos Sr. ang mga nagprotestang militante laban sa pagbisita ni Agnew.
Sa pagkakataong ito, buong lugod na namang tinanggap ng rehimeng US-Marcos II ang pagbisita ng Imperyalistang US sa katauhan ni Harris. Maraming karangalang ipinagmamalaki si Harris bilang politiko at bilang babae. Isa na rito ang ipinangangalandakan niyang tagumpay bilang unang babaeng Black American at South Asian na naluklok sa pagiging bise-presidente. Ang pagkakaroon ng diplomatikong tagumpay bilang babae rin ang parehong litanya niya sa pagtapak sa bansa. Mistulang ginawa ito upang ikubli ang tunay na dahilan ng pagbisita ni Harris dito, ang pagtutulak ng mga di pantay na kasunduan sa ekonomiya, at ang militaristang agenda nito kabilang na ang kontra-insurhensiyang kampanya at pagpapatatag sa EDCA. Tiyak na hindi mapapabango ng kanyang superpisyal na personahe ang pangangaladkad ng USI sa Pilipinas sa kanyang pang-uupat ng gyera at pagpapalawak ng arsenal na nukleyar sa Asya-Pasipiko.
Hindi rin nakapagtataka na aagos ang makitid at mababaw na diskurso ni Harris sa pagiging babae sa kanyang talumpating ibinahagi kamakailan. Pinapurihan niya ang mga katulad ni Josefa Llanes Escoda, Concepcion Calderon, at Corazon Aquino bilang huwaran sa pagiging matagumpay na kababaihan dahil diumano sa kanilang ipinamalas na husay sa larangan ng sosyo-sibiko at pulitika. Iminungkahi ni Harris na tularan ang kagalingan ng mga nabanggit na lider-kababaihan sa ngalan ng pagpapakita sa pantay na kalidad at kakayahan ng kababaihan at kalalakihan. Payo din niyang bumaling ang kababaihan sa pag-aaral ng pinansya at pagbabangko kung nais raw nilang umunlad at umalpas sa iba’t ibang karahasan.
Pinapakita lamang nito ang baluktot at malabnaw na pag-unawa ng mga reaksyunaryo at naghaharing uri sa sanhi ng kahirapan at ng karahasan sa kababaihan. Napakalaking bilang ng kababaihang anakpawis ng daigdig ang dumaranas nang matinding kahirapan dulot ng imperyalistang pandarambong at pagsasamantala ng US at iba pang imperyalista. Patuloy ang pagwasak ng mga pwersa sa produksyon kung saan milyon-milyong kababaihan ang dumaranas ng disempleyo, underemployement, napakababang pasahod at nagtutulak sa higit na impormalisasyon ng paggawa. Kaya hindi makakamit ang ‘women empowerment’ sa pagkakahon sa istandard ng mga burges na kababaihang nabanggit, ni sa indibidwalistang pagpapakahusay sa pinansya. Ang makalulutas sa pagkabusabos at pang-aapi sa kababaihan ay ang sama-samang pagkilos at paglahok sa makauring digmaan.
Lingid sa kamalayan ni Harris at higit pa sa mga burges na pamantayan ng pamumuno at tagumpay ng kababaihan, ang Pilipinas ay isang bansang may mayamang kasaysayan ng rebolusyonaryong emansipasyon ng kababaihan. Buhat pa noong ika – 17 siglo, aktibo nang lumalahok ang kababaihan sa mga anti-kolonyal at anti-pyudal na pagkilos gaya ni Gabriela Silang. Maraming kababaihan ang buong giting na kumikilos para sa pakikipaglaban sa karapatang pantao at para sa tunay na kalayaan. Hindi maaaring limutin ang ambag ng mga Katipunera sa pagpupunyagi ng Himagsikang Pilipino. Gayundin ang kababaihang unyonista sa bungad ng ika-20 siglo na kalauna’y naging bahagi ng mga kilusang anti-imperyalista. Lalong higit, pinagpupugayan ng sambayanang Pilipino ang katulad ni Ma. Lorena Barros na pangulong tagapagtatag ng Makabayang Kilusang ng Bagong Kababaihan, ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa bansa. Matayog na ang nilakbay ng MAKIBAKA bilang tagapanguna sa kilusang pagpapalaya sa kababaihan sa Pilipinas. Nagluwal ito ng hindi mabilang na kababaihang martir ng sambayanan. Ilan dito sina Kamil Manangan, Jo Lapira at Ciela Mae Pacaldo na nagbuwis ng buhay limang taon na ang nakararaan habang naglilingkod sa masa sa kanayunan. Sina Barros, Manangan, Lapira, at Pacaldo ay pawang pinaslang ng mga berdugong militar ng pasistang rehimen nina Marcos Sr. at Duterte. Sa kanilang kabataan ay namuno sila at tinanganan ang kanilang mga tungkulin sa hayag na kilusan at sa lihim, at inialay ang kanilang buhay bago pa man sila mag-edad 30. Pinagpupugayan natin sila sa kanilang walang pasubaling pagtangan sa armadong pakikibaka at paglilingkod sa masa.
Ito ang tagumpay na hindi masusukat at maiaangkop sa burges at walang katuturang pamantayan ng kinatawan ng imperyalistang US gaya ni Kamala Harris. Ang tagumpay ng maraming kababaihang rebolusyonaryo ay tanging nakakamit sa tunay at ganap na pagyakap sa demokratikong rebolusyong bayan. Lalong higit, ito ang tagumpay na binibigyang-pugay ng sambayanang kumikilala at lumalahok sa makabuluhang landas ng rebolusyonaryong emansipasyon ng kababaihan sa Pilipinas.
Mabuhay ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa Pilipinas at sa buong mundo!
Kababaihan tumungo sa kanayunan, lumahok sa digmang bayan!
Mabuhay ang MAKIBAKA!

https://philippinerevolution.nu/statements/pagbisita-ni-kamala-harris-mapanlinlang-at-mapagpanggap/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.