April 14, 2022
(Ikatlo sa serye ng tatlong artikulo) Bunsod ng matinding presyur ng mga demokratikong organisasyon, institusyon at personahe mula sa America at Europe, napilitan ang diktadurang US-Marcos na tapusin ang batas militar noong Enero 17, 1981.
Pero pakitang-tao lamang ito. Bahagi lang iyon ng mga hakbang upang gawing katanggap-tanggap ang rehimen niyang labis na kinamumuhian, partikular sa nagpapautang na mga dayuhang bangko. Kosmetikong hakbang ang pagbatak ng batas militar dahil nanatili pa ring suspendido ang kasulatang writ of habeas corpus sa buong bansa. Maaaring arestuhin nang walang mandamyento at walang taning na ikulong ang sinumang mamamayang maglalakas-loob na magreklamo sa mga anti-mamamayan, anti-demokratiko at pasistang pamamalakad ng rehimen.
Sa kabila ng malupit na reyalidad na ito, naglakas loob pa ring maglunsad ng mga kilos protesta ang mulat na mamamayan. Kabilang sa pagragasa ng mga demonstrasyon ang pagrali ng mga Negrosanon noong Setyembre 1985. Layon nilang isiwalat sa buong mundo sa okasyon ng ika-13 taong pagpataw ng batas militar na libu-libo sa Negros ang dumanas ng hindi makatarungang pagkakulong at walang awang pagpapahirap ng mga sundalo at mga paramilitar. Sinumang manindigan sa mga karapatang-tao tulad ng mga pari, madre, manggawang bukid, maralitang lunsod at iba pa ay binabansagang mga “komunista,” dinudukot, pinahihirapan at pinapatay.
May espesyal na kabuluhan din ang kanilang kilos protesta dahil nagpapalakas ang mga kroning asendero ni Marcos sa pangunguna nina Roberto Benedicto at Eduardo “Danding” Cojuangco at mga alyado nito sa Northern Negros tulad ng warlord na si Armando Gustilo. Nagkamal sila ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitan ng Philippine Sugar Commission, katuwang ang National Sugar Trading Corporation habang nabaon naman sa utang ang mga “sugar planter” (panggitnang-laki at maliliit na nagtatanim ng tubo).
Noong 1984 lamang, mahigit 190,000 manggagawa sa mga asyenda at mga sentral ng tubuhan ang nawalan ng trabaho. May isang milyong katao ang dumanas ng matinding gutom. Lumaganap ang kaalaman tungkol sa matinding kagutuman sa Negros sa nakilalang poster na nagtampok sa larawan ng halos buto’t balat na batang si Joel Abong.
Kaya buo ang isipan ng may 5,000 demonstrador sa Escalante City, Negros Occidental na kinabibilangan ng mga manggagawa sa tubuhan, mangingisda, kabataang-estudyante, maralitang lunsod, mga propesyunal at taong simbahan na magdaos ng tatlong araw na protesta simula Setyembre 18 hanggang 20, 1985.
Nagsimula ang mapayapang protesta nila sa pamamagitan ng pag-iingay sa sentrong bayan ng Escalante. Sa sumunod na araw, Setyembre 19, nagbuo ng mga barikadang-tao ang mga raliyista sa harapan ng palengke at sa papasok ng plasa ng bayan. Noong Setyembre 20, dumating sa piketlayn ang isang sasakyan ng PC-INP (Integrated National Police) at inimbita ang mga lider ng protesta sa isang negosasyon sa loob ng munisipyo na may layong 50 metro sa piketlayn. Hindi ito pinaunlakan ng mga lider masa.
Dumating bandang tanghali ang mga trak ng bumbero at sinimulang bombahin ang piketlayn ng tirgas at malakas na presyur ng tubig. Hindi natinag ang mga raliyista kahit pinalilibutan na sila ng mga tropa ng Regional Special Action Force (RSAF), ng Civilian Home Defense Forces (CHDF), at ng mga hindi nakilalang armadong tao.
Ihinagis pabalik ng ilang raliyista ang mga lata ng tirgas sa mga pwersa ng paramilitar at sa plasa. Naging hudyat ito para paulanan sila ng bala ng mga armadong pwersa ng reaksyunaryong gubyerno. “Tinangkang agawin ng mga raliyista ang aming mga baril,” pagdadahilan ng mga berdugo. Niratrat nila ng mga awtomatikong riple ang mga demonstrador.
Ayon sa mga nakaligtas sa masaker na ito, nangyari ang madugong insidente ilang minuto pagkatapos makaalis ang alkalde ng bayan na si Braulio Lumayno, kasama ang warlord at dating kongresistang si Armando Gustilo at kanilang mga badigard. Nang mapawi ang usok mula sa mga putok ng isang M-60 light machine gun at mga awtomatikong riple, makitang nagkalat ang mga patay at sugatan sa plasa, sa mga kalsada at sa kalapit na tubuhan.
Umaabot sa 20 katao ang nag-alay ng kanilang buhay at mahigit tatlumpu naman ang mga sugatan. Samantala, piping mga saksi ang kongkretong pader ng isang bangko at ilang kabahayan sa harap ng munisipyo na natadtad ng mga bala. Ibig sabihin, meron talagang intensyong patayin ang mga mapayapang raliyista.
Hanggang sa ngayon, pagkalipas ng 37 taon mula ang Escalante City Massacre o ang binansagang “Bloody Thursday” (Madugong Huwebes), hindi pa rin nabigyan ng hustisya ang mga biktima, kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan at kakilala. Walang nakatanggap na indemnipikasyon (bayad-danyos) sa mga pamilya ng mga napatay at nasugatan.
Kabalintunaan naman na ang tatlong mababang ranggong pulis na sangkot sa masaker sa Escalante at nakulong ay nakalaya na dahil binigyan sila ng parole. Ang kumander ng RSAF naman ay idineploy sa ibang lalawigan at noong 2016 ay hinirang na isang senior superintendent (full colonel). Wala ring mga lokal na upisyal at kilalang personaheng sangkot sa insidente ang ipinatawag sa pakitang-taong Fact-Finding Commission na pinamunuan ni Ombudsman Justice Raul Gonzalez (na naging kalihim ng Department of Justice noong 2007 ng rehimeng Macapagal-Arroyo).
“Never forget!” (Huwag kalimutan) “Never again!” (Huwag ulitin)!” Ito ang mga sigaw hindi lamang ng mga Negrosanon sa partikular kundi ng mamamayang Pilipino sa kabuuan sa tangkang manumbalik sa Malacañang ang mga Marcos sa tulong ng isa pang Duterte. Hanggang sa ngayon ay hindi nila inaamin at pinagsisihan bagkus ay tinatanggi o pinupuri pa ang libu-libong kasalanan ng kanilang mga pamilya sa bayan. #
https://cpp.ph/angbayan/ang-madugong-huwebes-sa-escalante-city/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.