April 10, 2022
Ginipit ng mga sundalo ng 85th IB ang libreng klinika na inorganisa ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) ngayong araw sa Agdangan, Quezon. Binulabog ng mga sundalo ang benyu at kinwestyon ang “ligalidad” ng naturang aktbidad.
Nagsabit ng tarpaulin ang mga sundalo na may nakasaad na “Joint Medical Mission.” Agad itong tinanggal ng mga kasapi ng KASAMA-TK. Kinunan din ng litrato ng mga elemento ng 85th IB ang mga boluntir, mga duktor at manggagawang pangkalusugan na bahagi ng aktibidad. Kinuha rin nila ang mga listahan ng pasyente kung saan naglalaman din ng kanilang impormasyon.
Pinaalis ng mga myembro ng KASAMA-TK ang AFP sa aktibidad dahil takot ang hatid ng kanilang armadong presensya sa mga kalahok nito. Inilinaw nila na, “hindi kailanman lalapit ang KASAMA-TK sa mga ahenteng responsable sa pamamaslang, pagdukot at pag-redtag sa mga aktibista at mamamayan ng Timog Katagalugan”.
Patuloy pa rin ang pagkakalat ng mga ahente ng 85th IB sa kanilang Facebook page na bahagi sila ng aktibidad sa kabila ng pagpapasinungaling dito ng mga organisador.
Matapos ang programa, hinarang ng mga elemento ng AFP ang mga boluntir at manggagawang pangkalusugan na nagsagawa ng medical mission.
https://cpp.ph/angbayan/medical-mission-sa-quezon-tinangkang-pasukin-ng-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.