Friday, April 15, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Panibagong panrered-tag sa isang mamamahayag, tinuligsa ng grupong NUJP

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 14, 2022): Panibagong panrered-tag sa isang mamamahayag, tinuligsa ng grupong NUJP (Another red-tagging of a journalist, denounced by the NUJP group)
 





April 14, 2022

Kinastigo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang panibagong kaso ng panrered-tag laban sa isa nitong kasapi at mamamahayag na si Lian Buan noong Abril 13, gayundin ang pagbabansag sa kanilang organisasyong bilang “prenteng” organisasyon ng rebolusyonaryong kilusan.

Ayon sa grupo, nired-tag at binansagang “isa sa mga matataas na upisyal ng CPP-NPA-NDF” si Buan ng isang anonymous na account sa social media. Tinarget si Buan ng red-tagging matapos siyang magpost sa social media ng pananaw laban sa pagpapasara ng rehimeng Duterte sa ABS-CBN na malaki sana ang maitutulong nitong panahon ng bagyong Agaton.

Malaon nang tinarget ang grupo ng mga mamamahayag ng red-tagging dahil sa paninindigan ng mga kasapi nito at kritikal na pagbabalita tungkol sa gubyernong Duterte.

“Ang paggigiit para sa karapatan sa pamamahayag at pagsusulong ng kagalingan ng manggagawa sa midya ay mga adhikaing bahagi ng demokrasya na ating tinatamasa,” ayon sa pahayag ng NUJP.

“Ang pangrered-tag sa NUJP, mga kasapi nito at kanilang katrabaho sa midya ay nagmumula sa pinakamataas, ang Palasyo, hanggang sa pinakamababa, na mula sa mga anonymous na mga akawnt sa social midya…,” dagdag ng NUJP sa pahayag.

Kamakailan, kinastigo rin ng grupo ang tagapagsalita ng NTF-Elcac na si Lorraine Badoy dahil sa panreredtag sa midya. Ani Badoy, sangkot umano ang midya sa rebolusyonaryong kilusan dahil hindi nito iniuulat ang mga “nabuwag na mga larangan” ng Bagong Hukbong Bayan habang iniuulat nila ang sandamakmak na mga kasong isinampa ng mga progresibong grupo laban sa kanya sa mga ahensya ng gubyerno.

Noong nakaraan taon, sinuportahan din ng grupo ang pagsasabatas ng panukala sa Senado para parusahan ang red-tagging at pagbabasura sa malupit na Anti-Terrorism Law.

“Kadalasang humahantong sa harasment at pandarahas ang red-tagging laban sa mga target nito at sinusuportahan ng NUJP ang lahat ng mga hakbng na makapagbibigay-proteksyon sa mga mamamahayag laban sa mga bantang ito at papanagutin ang mga gumagawa nito,” ayon sa pahayaag ng grupo noong Marso ng nakaraang taon.

Kasapi at upisyal ng NUJP si Lady Ann Salem, patnugot ng Manila Tody, na naging biktima ng red-tagging at ikinulong sa gawa-gawang mga kaso gamit ang isang hindi balidong mandaymento.

https://cpp.ph/angbayan/panibagong-panrered-tag-sa-isang-mamamahayag-tinuligsa-ng-grupong-nujp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.