Friday, April 15, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Kabataan, nagprotesta sa embahada ng US laban sa Balikatan 2022

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 9, 2022): Kabataan, nagprotesta sa embahada ng US laban sa Balikatan 2022 (Youth, protest at the US embassy against Balikatan 2022)
 





April 09, 2022

Nagprotesta ang di bababa 30 kabataan sa harap ng embahada ng US sa Roxas Boulevard, Manila kahapon nang madaling araw para batikusin ang Balikatan 2022 war exercises na idinaos sa Pilipinas noong Marso 28 hanggang Abril 8. Pinamunuan ng League of Filipino Students (LFS) ang raling iglap.

Anang grupo, ang Balikatan ay tuwirang nagpapakita “na nananatili ang imperyalismong US bilang pinakamakapangyarihang pwersa sa ating bansa, at si Duterte mismo ang numero unong tuta na tatahol lamang sa bawat utos ng amo nito,” ayon kay Ivan Sucgang, pambansang tagapangulo ng grupo.

Dala ng mga kabataan ang mga plakard at balatenggang may panawagang: “US troops, Out Now!” at “Imperyalismo ibagsak!”

Umaabot sa 5,100 sundalong Amerikano at 3,800 sundalong Pilipino ang upisyal na kalahok sa Balikatan 2022, isa sa pinakamalaking war exercise na idinaos sa bansa. Sa unang pagkakataon, lumahok dito ang 3rd Marine Littoral Regiment (MLR), isang pangkat ng humigit-kumulang 90 tauhan na ang misyon ay ang maghanda para umatake sa China.

Binatikos ng mga kabataan ang pagsasanay sa aerial assault at bombing na ginagamit ng AFP sa para bombahin ang mga komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya.

Nagpahayag din ng pangamba ang grupo na ang isinasagawang pagsasanay kontra sa “urban terrorism” ay gagamitin laban sa mga sibilyan at mga grupong nireredtag ng rehimen.

https://cpp.ph/angbayan/kabataan-nagprotesta-sa-embahada-ng-us-laban-sa-balikatan-2022/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.