Posted to Kalinaw News (Jan 17, 2022): Armas at iba pang mga gamit pangdigma Nasamsam sa Sagupaan ng Militar at NPA sa Surigao del Norte
Gigaquit, Surigao del Norte – Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army at New People’s Army o mga NPA sa bulubundukin bahagi ng Brgy Motorpool, Tubod, Surigao del Norte nitong ika-16 ng Enero 2022 kung saan nagresulta ito ng pagkarekober ng isang mataas na kalibreng armas ng mga armadong NPA at iba’t ibang kagamitan.
Bago ang nasabing engkwentro, nakatanggap ang kasundaluhan ng sumbong mula sa mga sibilyan hingil sa presensya ng armadong grupo na nangingikil at nananakot sa komunidad.
Ang mga nasabing armadong grupo ay napag-alaman na miyembro ng pinaghalong Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) 16C1 at 16C2, Guerilla Front (GF) 16 North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na pinamumunuan nina Alberto Castañeda @ JD at Roel Neniel @ Jacob.
Bilang tugon sa nasabing sumbong agad nagplano ang kasundaluhan ng 30IB upang kumpirmahin ang nasabing balita kung kaya habang nagsasagawa ng security patrol, ay agad pinaputukan ng mga armadong grupo ang mga tropa ngunit agad nakaganti ang mga kasundaluhan ng putok kung saan tumagal ito ng labin-limang (15) minuto.
Pagkatapos ng sagupaan, matagumpay na nakuha ang isang (1) AK47 Rifle, labin-isang magazines na naglalaman ng mga bala, 182 bala ng AK47 at 376 bala ng M16, isang (1) rifle grenade, limang (5) 40mm live rounds, dalawang (2) set ng IED’s o pampasabog na may kasamang blasting caps, anim (6) na backpack na may mga pansariling kagamitan, ibat-ibang dokumento at mga pagkain at medisina.
Sa pahayag ni Lt Col Ryan Charles G Callanta, pinuno ng 30IB, Siya ay tauspusong nagpapasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan laban sa terorismo, “Sa ating mga kababayan, kami ay lubos na nagpapasalamat dahil sa patuloy na pagsuporta niyo laban sa terorismo. Patuloy lamang po kayong magtiwala na aming gagampanan ang aming tungkulin lalo na po ngayon na humaharap tayong lahat sa pagsubok. Hindi po namin hahayaan na mapagsamantalahan ang ating kababayan at gamitin para sa kanilang pansariling pangangailangan. Asahan niyo po na patuloy namin poprotektahan ang komunidad at sisiguraduhin na maibigay sa kanila ang tulong na kanilang kailangan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/armas-at-iba-pang-mga-gamit-pangdigma-nasamsam-sa-sagupaan-ng-militar-at-npa-sa-surigao-del-norte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.