Saturday, January 22, 2022

CPP/NDF-Southern Tagalog: Makatarungan ang pakikibaka ng residente ng Brgy. Patungan para sa lupa at panirikan at hustisya!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 21, 2022): Makatarungan ang pakikibaka ng residente ng Brgy. Patungan para sa lupa at panirikan at hustisya!



Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

January 22, 2022

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang marahas na demolisyon sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite noong Enero 13 na nagresulta pagkakasugat sa apat na residente dahil sa tama ng bala, pagkakasugat ng mas marami pa at paghuli sa lima pang mga residente ng Patungan. Walang pakundangan silang pinagbabaril ng pinagsanib na mga armadong goons at pulis sa proseso ng demolisyon upang supilin ang kanilang paglaban. Hindi pa nasiyahan, pati ang mga residenteng nagkawanggawang tumulong sa mga nasugatan sa pamamaril ay pinaghuhuli ng pulis. Maging ang isang sugatan na isusugod sa ospital ay hinuli pa ng mga pulis pati mga kaanak nito.

Ayon sa mga residente, aabot sa libo ang pinaghalong pwersa ng PNP, Seraph Security Agency, Bureau of Fire Protection, PAF, Marines at mga armadong demolition teams ang pumasok sa lugar para sa pagdemolis ng komunidad.

Higit sa 214 pamilya ang palalayasin sa Brgy. Patungan nang walang katiyakan sa relokasyon at hanapbuhay. Halos isang dekada na silang pinapalayas ng MTV Investment Properties Holding Corporation (dating MTV Realty Corp) na pagmamay-ari ni Maria Theresa Virata. Nauna nang ibinenta ni Virata ang lupa kay Henry Sy, isang burgesya komprador at kilalang kroni ni Duterte. Nais saklawin ni Sy ang Brgy. Patungan sa pagpapalawak ng kanyang resort sa karatig nitong barangay sa Nasugbu, Batangas.

Simula 2014, samu’t saring pakana ang isinagawa ni Sy sa pakikipagsabwatan sa lokal na gubyerno at mga nagdaang rehimen para mapalayas ang mga residente ng Brgy. Patungan. Binarikadahan ng mga pulis ang kalsada papunta sa barangay at walang pinalulusot na residente papasok kung kaya’t napipilitang magbyahe sa dagat o maglakad sa bundok ang mga ito para lamang makapamili ng kanilang pagkain. Dulot din nito ay hindi makapaglibing o makadalaw sa sementeryo ang mga taga-Patungan. Tuluy-tuloy ang paggiba ng mga pribadong goons at pulis ng Maragondon sa mga bahay rito. Walang pusong sinisira ang mga pananim at kagamitang pansaka ng mga magsasaka at kagamitang pangisda ng mga mangingisda. Binabantaan din ang buhay ng mga residente at kanilang lider. At ngayong pandemya, iniratsada pa ang demolition order ng lokal na yunit ng gubyerno.

Sa kabila nito, patuloy na binibigo ng mga residente ang demolisyon. Malugod na binabati ng NDFP-ST ang mga maralita ng Brgy. Patungan na matapang na lumalaban para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa at panirikan. Kailangang higit na pasiglahin ang kanilang pakikibaka at pahigpitin ang pagkakaisa laban sa pasistang panunupil ng rehimen.

Nananawagan ang NDFP-ST sa mga mapagkawanggawang institusyon, tagapagtanggol ng karapatang tao at tunay na lingkod-bayan na tulungan ang mamamayan ng Brgy. Patungan, laluna ang mga biktima ng marahas na demolisyon. Bigyan sila ng ayuda, suportang medikal at paralegal na tulong upang patuloy nilang maipaglaban ang kanilang mga karapatan. Suportahan din ang kanilang makatarungang pakikibaka para sa karapatan sa lupa at panirikan.

Dapat pagbayarin ang mga salarin sa madugong demolisyon sa Brgy. Patungan. Sampahan ng kaso ang mga sangkot na pulis at goons. Samantala, patuloy na sisingilin ng demokratikong gubyernong bayan ang malalaking burgesya komprador at panginoong maylupa sa kanilang krimen sa mamamayan. Sa pagtatagumpay ng rebolusyon, pananagutin ng bayan ang mga gahamang katulad ni Sy at pasistang si Duterte.###

https://cpp.ph/statements/makatarungan-ang-pakikibaka-ng-residente-ng-brgy-patungan-para-sa-lupa-at-panirikan-at-hustisya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.