Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Philippine Revolution Web Central (PRWC) Newsroom blog of the Communist Party of the Philippines (CPP) (Jan 21, 2022): Hustisya para kina Ka Kaye at Ka Bok!
Nadakip nang buhay sina Sandra Reyes (Ka Kaye) at Menandro Villanueva (Ka Bok) noong Disyembre 24, 2021 sa nangyaring engkwentro sa Mabini, Davao de Oro sa pagitan ng mga Pulang mandirigma at berdugong 10th ID, ayon sa ulat ng Komisyon sa Mindanao ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kinabukasan, iniulat ng 10th ID na nasawi umano si Ka Kaye sa labanan subalit walang binanggit hinggil sa kalagayan ni Ka Bok.Sa sumunod na mga araw, naglabas ang 10th ID ng cartographic sketch ng mukha ni Ka Bok at paulit-ulit na nagmayabang na malapit na diumano siyang madakip, kasama ang iba pang lider at kadre ng rehiyon ng Southern Mindanao dahil sa kanilang todo-largang “operasyong pagtugis.” Paulit-ulit itong nagpaputok ng 105mm howitzer upang palabasin na mayroong labanan sa pagitan ng AFP at BHB.
Noong Enero 6, idineklara ng 10th ID na nasawi umano si Ka Bok sa engkwentro noong Enero 5. Ang totoo, hawak na nila si Ka Bok o ang kanyang katawan sa loob ng 12 araw. Hindi malayong tinortyur siya bago brutal na patayin. Sa ulat mismo ng 10th ID, nagtamo ng maraming tama ng bala ang kanyang mga labi.
Mariing kinundena ng rebolusyonaryong kilusan ang walang-awang pagpaslang ng AFP kina Ka Bok at Ka Kaye at paglulubid nito ng kasinungalingan. Tiniyak ng PKP na pananagutin ang sinumang responsable sa pagpatay sa dalawa.
Si Ka Bok ay mahigit limang dekadang naglingkod sa sambayanan. Susi siya sa antas-antas na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Mindanao tungo sa isa sa pinakamalakas na rehiyon ng Partido at BHB. Samantala, mula nang maorganisa sa Ateneo de Davao si Ka Kaye ay buong panahong naglingkod sa masang manggagawa, magsasaka at Lumad sa rehiyon. Siya ay organisador at mahalaga ang naging papel sa pagputok ng mga welga at aksyong masa sa rehiyon ng Southern Mindanao.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2022/01/21/hustisya-para-kina-ka-kaye-at-ka-bok/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.