Thursday, October 7, 2021

CPP/Ang Bayan: Duterte, Marcos, walang pinag-iba

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 7, 2021): Duterte, Marcos, walang pinag-iba



Pinamunuan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (Carmma) ang protestang bayan sa Maynila noong Setyembre 21 bilang paggunita sa ika-49 na taon ng deklarasyon ng batas militar ni Ferdinand Marcos.

Ayon sa mga nagprotesta, mahalaga ang paggunita sa batas militar dahil sa pag-iral ng hibo ng pasismo at mga banta ng pangungunyapit sa pwesto ng tiranong si Duterte. Kailangang alalahanin ang madidilim na taon para pigilan ang pagbabalik ng mga Marcos sa MalacaƱang at rebisyunismo sa kasaysayan nito.

Nagkaroon ng katulad na mga pagkilos sa mga syudad ng Baguio, Calamba, Cebu, Iloilo, Davao at Cagayan de Oro, gayundin sa Cavite at Cagayan Valley.

Kasabay nito, nangalampag ang mga manggagawang pangkalusugan para sa makataong pagtrato sa kanilang hanay sa Bacolod City. Isang araw bago nito, nagpiket din ang mga magsasaka sa sentro ng Bacolod City para gunitain ang Escalante Massacre na naganap noong panahon ng diktadurang US-Marcos.

Sa ibayong dagat, inilunsad ang koordinadong mga protesta sa United Kingdom, HongKong, Montreal sa Canada, France, Netherlands, Chicago, Manhattan sa New York, Seattle, Korea at Belgium.

Naglunsad din ang iba’t ibang grupo ng mga porum, protestang online, mga pagpupulong at iba pang porma ng mga aktibidad.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/10/07/duterte-marcos-walang-pinag-iba/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.