Wednesday, September 29, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Partido, nagparangal kay Bien Lumbera, pambansa-demokratikong alagad ng sining

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 29, 2021): Partido, nagparangal kay Bien Lumbera, pambansa-demokratikong alagad ng sining


ANG BAYAN | SEPTEMBER 29, 2021

Nakidalamhati ang Partido Komunista ng Pilipinas, kasama ang sambayanang Pilipino, sa pagkamatay noong Setyembre 28 ni Bienvenido Lumbera, makata, mandudula, kritikong pangkultura at pampanitikan at guro, Pambansang Alagad ng Sining at aktibistang pambansa-demokratiko.

Isang malaking kawalan sa pambansa demokratikong kilusang pangkultura ang pagpanaw ni Ka Bien, ayon sa Partido. Malaki ang kanyang ambag sa teorya at praktika ng kultura ng sambayanang Pilipino sa anyo ng kanyang mga tula, dula, sanaysay at kritisismo. Marami siyang ginabayang progresibo at rebolusyonaryong artista ng bayan.

BIlang artista at manunulat, isinulong ni Ka Bien ang estetikong Pilipino, pagsusulat ng mga Pilipinong paksa, at pagpapalaim at pagsasalin sa paniitkan mula sa mga rehiyon at mga wikang lokal. Kabilang sa kanyang mga akda ang Philippine Literature: A History Anthology; Abot-Tanaw: Mga Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan; Writing the Nation, Pag-akda ng Bansa; at Poetika/Politika: Tinipong mga Tula.

Matatag na nanindigan si Ka Bien para sa interes ng sambayanang Pilipino laban sa dominanteng kulturang burgis at pyudal na pinalalaganap ng mga mapagsamantala at mapang-api. Nanindigan siya laban sa tiraniya — mula sa diktadurang US-Marcos hanggang sa pasismo ng rehimen ni Rodrigo Duterte.

Si Ka Bien ay isang masigasig na organisador at aktibistang pangkultura. Nakita ang kahalagahan ng mga manggagawa sa kultura sa pagsusulong ng kilusang masa at sa rebolusyon sa lipunan. Noong dekada 1960, nagsilbi siyang tagapangulo ng tanyag na grupong Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA). Sa mga nakaraang taon, nagsilbi rin siyang tagapangulo ng Concerned Artists of the Philippines.

Si Ka BIen, kilala bilang Professor Lumbera sa karamihan, ay hinirang ng gubyerno ng Pilipinas noong 2006 na isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura. Nahirang din siya bilang katang-tanging mamamahayag ng Ramon Magsasaysay Awards.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/partido-nagparangal-kay-bien-lumbera-pambansa-demokratikong-alagad-ng-sining/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.