Wednesday, September 29, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagtortyur sa dalawang mandirigma, kinundena

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 29, 2021): Pagtortyur sa dalawang mandirigma, kinundena


ANG BAYAN | SEPTEMBER 29, 2021

Tinuligsa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Benguet ang mahigit isang buwang iligal na lihim na pagkukulong at sikolohikal na tortyur sa mag-asawang Ricca Llanes at Daniel Ladawan, Jr., mag-asawa, na dinukot ng militar noon pang Agosto 7.

Ang mag-asawa ay kapwa mandirigma ng BHB na bumibisita noon sa kanilang mga kamag-anak. Hinuli sila na walang mandamyento de aresto. Nilinlang ng mga ahente ng AFP ang pamilya ng mag-asawang mandirigma upang “makipagtulungan” sa pangakong “lilinisin” nito ang mga pangalan ng kanilang kaanak. Pangako ng AFP, agad ding makauuwi sa kanilang pamilya ang dalawa.

Halos dalawang buwan nang itinatago ang mag-asawa sa hedkwarters ng 503rd IB sa Calanan, Tabuk City, Kalinga. Hindi kinikilala ang kanilang mga karapatan bilang mga detenido o bilang mga bilanggo-sa-digma. Pinagkakait ang kanilang karapatan na magkaroon ng kanilang piniling abugado para kumatawan sa kanila. Hindi pa rin sila inihaharap sa korte.

Ang matagalang detensyon at kawalan ng representasyon ay labag ito kahit sa reaksyunaryong mga batas.

Kinundena ng BHB-Benguet ang pag-aresto at iligal na detensyon at nanawagan para sa kagyat na pagpapalaya sa dalawa. Hinimok rin ng yunit ng BHB ang mga kaibigan at kamag-anak ng dalawa na igiit sa militar na palayain na sina Llanes at Ladawan.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/pagtortyur-sa-dalawang-mandirigma-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.