Monday, December 7, 2020

Kalinaw News: Malaking kuta ng rebeldeng NPA sa Rizal, Cagayan nadiskubre

Posted to Kalinaw News (Dec 7, 2020): Malaking kuta ng rebeldeng NPA sa Rizal, Cagayan nadiskubre



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Nakadiskubre muli
ng isa pang kuta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pinagsanib-pwersa ng
kasundaluhan at kapulisan sa Barangay Bural, Rizal, Cagayan nang ika-6 ng
Disyembre taong kasalukuyan.

Natagpuan ang nasa 1000 sqm na lawak ng kuta ng mga NPA na kung saan
mayroon itong 40 na bunkers, isang social hall, at dalawang kusina sa patuloy na
pagpapatrolya ng pinagsanib-pwersa ng kasundaluhan at kapulisan sa nasabing
lugar.

Kung matatandaan, kahapon nang madiskubre rin ang isang kuta ng mga
NPA na kung saan, iba’t-ibang klase ng mga bala at mga pampasabog ang
narekober matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng 17th Infantry Battalion
at teroristang NPA sa naturang barangay.

Ayon kay MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, ang
nasabing pagkakadiskobre ay resulta ng patuloy na pagbibigay impormasyon ng
mga mamamayan na umaklas na sa pagsuporta sa mga rebeldeng NPA.

By 2028, a world-class Army that is a source of national pride.

Honor. Patriotism. Duty.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagsuyod ng tropa ng
pamahalaan sa Barangay Bural upang masigurong ligtas at maayos ang mga
residente mula sa banta ng mga mapagsamantalang NPA.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/malaking-kuta-ng-rebeldeng-npa-sa-rizal-cagayan-nadiskubre/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.