Monday, December 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Berdugong sundalo at pulis sa NEMR, inambus

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 7, 2020): 2020: Berdugong sundalo at pulis sa NEMR, inambus



Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong yunit ng 29th IB sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte. Napaslang sa labanan si Master Sergeant Aberto samantalang namatay sa ospital ang isa pang upisyal.

Nagsasagawa ng nakapokus na operasyong militar ang 29th IB sa naturang barangay simula pa Nobyembre 12. Inireklamo ng mga residente ang pananakot at panggugulo ng mga sundalo sa lugar.

Inambus ng isang yunit ng BHB-Surigao del Norte ang nagpapatrulyang sasakyan ng Philippine National Police (PNP)-Sison sa Barangay Mayag, Sison. Sugatan ang isang pulis. Responsable ang PNP-Sison sa pagpaslang sa negosyante at ama ng isang Pulang mandirigma na si Josefino “Lalo” Calang noong Nobyembre 26.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/12/07/berdugong-sundalo-at-pulis-sa-nemr-inambus/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.