Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 5, 2020): Walang puso si Arevalo. Ang ceasefire ay para sa mamamayan.
CLEO DEL MUNDOSPOKESPERSON
NPA-QUEZON
APOLONIO MENDOZA COMMAND
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
MELITO GLOR COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
DECEMBER 05, 2020
Share and help us bring this article to more readers.
Tugon ni Ka Cleo del Mundo sa pahayag ng tagapagsalita ng AFP kung bakit hindi magdedeklara ng ceasefire ang rehimeng Duterte (Una sa dalawang pahayag)
Read in: English
Puro satsat ang tagapagsalita ng AFP. Tulad ng kanyang Hepe na hindi matagpuan habang hinahambalos ng malalakas na bagyo ang taumbayan, ang tagapagsalita ng AFP na si Heneral Edgar Arevalo ay wala namang puso sa kalunos-lunos na kalagayan ng mamamayan. Malinaw na nakasalig si Arevalo sa wala-sa-matwid na katwiran para isantabi ang isang pansamantalang tigil-putukan.
Ang paghinto ng mga operasyong kombat sa kanayunan, kahit pansamantala, ay isang makataong tungkulin ng mga naglalabanang puwersa sa panahon ng pandemya, krisis at kalamidad. Ito ay para sa mga biktima ng bagyo, para sa mga maralitang magsasaka at kanilang pamilya, hindi para sa NPA.
At kung kaya pang abutin ng isip para pagmunian ni Arevalo, ito ay para sa mga opisyal at karaniwang kawal ng AFP at kanilang mga pamilya.
Dagdag pa, ang CPP-NPA ay hindi kailangang kumuha ng hudyat mula sa AFP o kay Duterte para ipakita ang malasakit nito sa mamamayan at sa gayon ay suspendihin ang aming operasyong militar sa mga pulang purok.
Para sa kaalaman ng lahat, dalawang (2) batalyong pangkombat ng 59IB at 85IB ng Philippine Army ang nagsagawa ng focused military operations sa maliit na lugar lamang ng sasampung magkakadikit na barangay sa South Quezon-Bondoc Peninsula mula noong Oktubre.
Nagtimpi ang NPA sa mga atakeng ito para bigyang puwang ang mga relief operations ng LGU na ikinoordina sa amin ng mga lokal na sibilyang otoridad sa mga lugar na matindi ang inabot na pinsala sa bagyo.
Magkaganumman, ang tuloy-tuloy na pag-atake ng AFP ay nagtulak sa mga yunit ng NPA sa lugar na magtanggol na nagresulta sa tatlong labanan noong Oktubre 29, Nobyembre 12 at 15 kung saan nagtamo ng maraming kaswalti sa hanay ng kawal ni Duterte.
Kabalbalan na lamang ni Arevalo ang paulit-ulit na rason ng AFP sa hindi pagdedeklara ng ceasefire.
Ang panahon ng Pasko at Bagong Taon, kung saan panahon din ng anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ay okasyon para magdiwang ang rebolusyunaryong kilusan sa kanyang patuloy na pagpupunyagi sa pambansang demokrasya.
Panahon ito ng kaunting kasiyahan ng pagsasalu-salo sa mainit na kape, sinukmani at pansit na dala ng masang magsasaka na bumibisita para sa kantahan at pagbigkas ng mga tula ng paglaban — hindi para mangikil na kagaya ng tradisyon ng mga opisyal ng AFP-PNP na nakasahod sa cash gift ng kanilang mga patrong pulitiko at negosyante.
Lalong hindi para manalakay na kagaya ng ginagawa ng mersenaryong militar at pulis na walang pinipiling panahon at pagkakataon. Sabi nga ng mga Kristiyano ay hindi man lamang marunong mangilin.#

Basahin ang ikalawang bahagi: Takot si Arevalo na mawalan ng palabigasan silang mga henera
https://cpp.ph/statements/walang-puso-si-arevalo-ang-ceasefire-ay-para-sa-mamamayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.