Sunday, October 4, 2020

Kalinaw News: Livelihood Program ng EO 70 Para sa mga katutubong Ata Manobo

Posted to Kalinaw News (Oct 4, 2020): Livelihood Program ng EO 70 Para sa mga katutubong Ata Manobo

Paquibato District, Davao City – Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 11 kasama ang 27th Infantry Battalion at nagbigay ng oryentasyon tungkol sa Livelihood Program na bahagi ng EO 70 tungkol sa pagtatanim ng cardava tissue para sa mga pamilya ng katutubong Ata Manabo sa Barangay ng Pañalum sa Distrito ng Paquibato bayan ng Dabaw noong October 2, 2020.



Pinangunahan ni Engr Lorenzo Macapili, Regional Director ng TESDA R11, Director Gilbert Importante, Southern Mindanao Agriculture Aquatic & Natural Resources Research & Development Consortium (SMAARDEC) ng University of Southeastern Philippines (USEP), at ni 1st Lieutenant Eddie Rey Navales, Charlie Company Commander ang oryentasyon tungkol sa pagtatanim ng cardava tissue para sa pamilya ng mga katutubong Ata Manobo na naninirahan sa nasabing lugar. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng opisyal ng Indigenous Political Structure (IPS) na si Datu Boyson Anib, na isa ring katutubong Ata Manobo at limampung katutubong Ata Manobo.

Isang mensahe ang ibinahagi ni Engr Macapili para sa mga katutubong Ata, “Naa mi dire karon bahin sa EO 70 na magkahiusa tanan na ahensya sa gobyerno na matabangan ang mga katawhan dire sa inyohang lugar”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Datu Boyson Anib sa ahensya ng gobyerno at sinabi niya “Ang gihatag na pagtagad sa pang gobyerno dili nato sayangan kay kini dakong tabang sa atoang kalamboan ug panginabuhi”.

Bilang tugon, “Sisiguraduhin ng inyong kasundaluhan ng 27th IB na tutulong kami at susuporta sa mga programa ng ahensya ng gobyerno upang maihatid ang serbisyo para sa mga mamayan at komunidad ng Distrito ng Paquibato, Bayan ng Dabaw”, pahayag ni Lieutenant Navales.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/livelihood-program-ng-eo-70-para-sa-mga-katutubong-ata-manobo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.