Wednesday, October 21, 2020

CPP/NPA-Bicol ROC: Matagumpay na ambus sa Oas, Albay, tugon ng RJC-BHB Bikol sa mapanalasang operasyong RCSP

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 20, 2020): Matagumpay na ambus sa Oas, Albay, tugon ng RJC-BHB Bikol sa mapanalasang operasyong RCSP

RAYMUNDO BUENFUERZA
SPOKESPERSON
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
ROMULO JALLORES COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY

OCTOBER 20, 2020



Higit kailanma’y naglalagablab ang digmang bayan! Pinagpupugayan ng RJC-BHB Bikol ang mga Pulang kumander at mandirigma ng Santos Binamera Command (SBC-BHB Albay) sa matagumay na ambus laban sa 49th IBPA at 9th ID CMO Bn. na ilinunsad nitong Oktubre 17 sa Brgy. Tugbon, Oas, Albay. Apat ang napaslang, kabilang na si Sgt. Ignacio Refuerzo ng 9th ID CMO Battalion. Sampu naman ang naitalang sugatan, kabilang na sina Sgt. Edgar Sarahan, Pfc. Alsadda Abdulahid, Pfc. Alvin Esteria, Pvt. John Mark Verdeflor at Pvt. Teodoro Cardano, Jr.

Walang ibang idinulot ang operasyong RCSP sa rehiyon kung hindi paninira sa buhay at kabuhayan ng masang Bikolano. Reputasyon na ng AFP-PNP-CAFGU, mula pa sa paglulunsad ng Special Operations Team (SOT), Reengineered Special Operations Team (RSOT) at Peace and Development Teams (PDT), ang paninira ng mga pananim, pagnanakaw ng kagamitan at alagang hayop ng masa, pagpapalaganap ng macho-pasistang kultura sa baryo, panonortyur ng taumbaryo at pagmamasaker sa mga pamilya. Sariwa pa sa alaala ng mga taumbaryo ang pamamaslang kina Luzviminda Dayandante at Albert Orlina ng Guinobatan Albay at ang sunud-sunod na masaker ng mga magsasaka, upisyal ng barangay at negosyante sa Masbate at Sorsogon.

Ipinagbubunyi ng masa ang pagpaapanagot sa AFP-PNP-CAFGU sa Albay at Sorsogon. Saan mang dako ng rehiyon, ang mga tagumpay ng mga yunit kumand ng RJC-BHB Bikol ay pagpapadagundong ng kawastuhan ng digmang isinusulong ng mamamayan. Bigo na ang RCSP bago pa ito magsimula! At tiyak, paulit-ulit lamang na mabibigo ang mga isusunod pa nilang operasyong militar dahil tangan ng Partido at ng BHB ang superyoridad sa pulitika. Hindi kailanman maaasahan ng AFP-PNP-CAFGU na susuportahan ng masang anakpawis ang isang digma laban sa kanilang kapwa inaapi at pinagsasamantalahan.

Bawat tagumpay ng BHB ay tagumpay ng masang Bikolano laban sa pasismo ng rehimeng US-Duterte. Higit na tumataas ang determinasyon ng mga Pulang kumander at mandirigma na ipagtanggol ang masa, itaas ang kanilang kapasyahang wasakin ang mapang-api at mapagsamantalang sistema at ipagtagumpay ang digmang bayan.

Mayong orgullo sa pagpapasakit sa namamanwaan!
Militar sa kanayunan, palayasin! Biguin ang RCSP!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Ibayong isulong ang digmang bayan sa higit na mataas na antas!

https://cpp.ph/statements/matagumpay-na-ambus-sa-oas-albay-tugon-ng-rjc-bhb-bikol-sa-mapanalasang-operasyong-rcsp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.