Wednesday, October 21, 2020

CPP/NDF-MAKIBAKA-Bikol: MAKIBAKA-Bikol sa pagkamatay ng anak ni Reina Nasino habang siya ay nasa kulungan

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 20, 2020): MAKIBAKA-Bikol sa pagkamatay ng anak ni Reina Nasino habang siya ay nasa kulungan

OCTOBER 20, 2020


Napakaluwag sa isang bulok na sistema ng hustisyang bigyan ng pagkakataong bumisita sa mga kamag-anak at makalabas ng kulungan at mga kurakot at mamamatay-tao! Samantala, hinintay pa ng pasistang estadong mamatay ang anak ni Reina Nasino, isang makabayang ina, bago siya makasaglit sa labas ng kulungan. Overkill pa ang pwersa ng militar at pulis sa burol!

Mahigpit na nakikiramay ang MAKIBAKA-Bikol kay Nasino, sa kanyang pamilya at sa daan-daan pang bilanggong pulitikal na pinagkaitan ng pasistang estado ng kanilang mga batayang karapatan. Higit nitong pinag-aalab ang kapasyahan ng rebolusyonaryong kababaihang isulong ang paglaban upang mapabagsak ang rehimeng US-Duterte at ang sistemang nagbibigay ng labis-labis na kaalwanan sa mga gahaman at kriminal na naghaharing-uri.

https://cpp.ph/statements/makibaka-bikol-sa-pagkamatay-ng-anak-ni-reina-nasino-habang-siya-ay-nasa-kulungan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.