Friday, August 7, 2020

Kalinaw News: Kiwanis International namahagi ng Gamit Pampaaralan

Posted to Kalinaw News (Aug 7, 2020): Kiwanis International namahagi ng Gamit Pampaaralan

Jose Abad Santos, Davao Occidental – Ang Kiwanis International ay namahagi ng mga gamit pampaaralan sa mga estudyante ng elementarya sa gymnasium ng Brgy Magulibas ng nasabing munisipyo kahapon, August 6, 2020.

370 na kabataan ng Andress Yacon Elementary School at 530 naman na kabataan ng Mainit Elementary School ang nakatanggap ng mga gamit pampaaralan tulad ng notebook, folder, ballpen, bag, krayola, bond paper at tsinelas ang ibinahagi ng Kiwanis Club sa pamumuno ni PLG Corazon Verano at PLG Lorna Go sa kanilang Gift Giving Program. Layunin ng grupo na bigyan ng halaga ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga kagamitan na binibigay upang may magamit ang mga estudyante sa buong taong pagaaral.

Lubos ang pasasalamat ni LTC Ronaldo G Valdez sa Kiwanis International sa pagsisikap nilang ipaabot ang kanilang serbisyo sa mga malalayong lugar ng Davao Occidental at Sarangani Province na kung saan noong nakaraang taon ay namigay din sila ng mga kagamitan sa Alna Indigenious People School sa Malapatan, Sarangani Province.

Bakas ang saya ng mga kabataan na dumalo hindi lang dahil sa mga kagamitan kundi pati na rin sa sundalong maskot na nagpakitang gilas habang isinasagawa ang programa.

Ang Kiwanis International ay isang pandaigdigang grupo na kung saan nakatuon sila sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng komunidad lalo na ang mga bata.







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kiwanis-international-namahagi-ng-gamit-pampaaralan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.