ANG BAYAN
AUGUST 07, 2020
NAGSAMPA NG REKLAMO noong Hulyo 30 ang mga mamamahayag ng Altermidya, Pinoy Weekly, Kodao Productions at Bulatlat sa Commission on Human Rights laban sa patuloy na pagbabanta sa kanila ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Philippine National Police.
Bahagi ng reklamo ang pagkumpiska ng mga pulis sa libu-libong kopya ng magasing Pinoy Weekly noong Hulyo 26 sa upisina ng Kadamay sa Villa Lois, Pandi, Bulacan. Pilit na pinalabas ng pulis na subersibo ang mga magasin. Naghain din ng hiwalay na reklamo ang isa sa mga patnugot ng Bulatlat na si Danilo Arao dahil sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa gawa-gawang “Oust Duterte Matrix” noong nakaraang taon.
Inaresto sa parehong insidente si Rose Fortaleza na inakusahang namamahagi ng subersibong dokumento. Dinala siya sa presinto at sinampahan ng kasong pagsuway sa awtoridad.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.