Friday, August 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Ang dinastiya ng pamilyang Duterte

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 7, 2020): Ang dinastiya ng pamilyang Duterte

ANG BAYAN
AUGUST 07, 2020



Sa kanyang State of the Nation Address 2020 noong Hunyo 27, paulit-ulit na inatake ni Rodrigo Duterte si Sen. Franklin Drilon na naghamon sa kanya na itulak ang pagsasabatas sa Anti-Dynasty Bill. Panukala ni Drilon na ipagbawal ang sabayang pagtakbo ng mga magkamag-anak sa mga elektibong pusisyon sa reaksyunaryong guberno. Lubhang ikinagalit ni Duterte ang umano’y paghalimbawa ng senador sa kanyang pamilya bilang isang dinastiyang pulitikal.
Pitumpu’t apat na taon at tatlong henerasyon nang nasa poder ang pamilyang Duterte.

Nakapasok ang pamilyang ito sa pulitika noong 1946 nang itinalaga ng noo’y rehimeng OsmeƱa si Atty. Vicente Duterte, ama ni Rodrigo, bilang pansamantalang meyor ng Danao, Cebu. Matapos lumipat sa Davao City sa 1949, nahalal bilang gubernador ng syudad si Vicente noong 1959. Itinalaga niya si Rodrigo bilang Secretary of the Department of General Services ng lunsod noong 1965. Sa Cebu, naging alkalde ng syudad ang kapatid ni Vicente na si Ramon Duterte noong 1957. Naging alkalde rin ng Cebu City ang anak ni Ramon na si Ronald noong 1986.

Si Rodrigo Duterte ay pangalawang henerasyon sa dinastiya ng kanyang pamilya. Tatlumpu’t dalawang taon na siyang walang putol na nakaupo sa poder. Una siyang itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) o pansamantalang bise ng meyor ng Davao City ng rehimeng Aquino noong 1986. Dala ang pangalan ng kanyang ama, nahalal siya bilang alkalde noong 1988 at nanatiling mayor hanggang 1998. Para ikutan ang mga limitasyon sa termino, tumakbo siya bilang kongresista ng unang distrito ng lunsod noong 1998 at pinalitan siya ng kanyang anak na si Sarah. Naging meyor ulit siya noong 2001-2010 at mula 2013-2016 hanggang sa siya ay tumakbo bilang pangulo. Bise siya ni Sarah sa 2010-2013. Habang nasa poder, ang kapatid niyang si Emmanuel ang kanyang personal na kalihim.

Sa ngayon, dominado ng kanyang mga anak ang lokal na gubyerno ng Davao City. Ang panganay niya na si Paolo ang kongresista sa unang distrito, habang sina Sarah at Sebastian ay alkalde at bise alkalde ng lunsod. Ambisyon si Sarah na maluklok kundiman bilang presidente katulad ng kanyang ama, ay sa isang mataas na pusisyong pampubliko. Pangarap naman ni Rodrigo na mapalawig ang pananatili niya sa poder o ng kanyang hihiranging tagasunod.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.