Friday, June 19, 2020

Tagalog News: Isang miyembro ng NPA sa Northern Samar sumuko

From the Philippine Information Agency (Jun 19, 2020): Tagalog News: Isang miyembro ng NPA sa Northern Samar sumuko (By PIA-8)

Featured Image

TACLOBAN CITY, June 19 (PIA) -- Isang miyembro ng NPA sa Northern Samar ang sumuko noong Araw ng Kalayaan.

Sa ulat galing sa militar, ang miyembro ng NPA na taga Brgy. E. Duran, Bobon, Northern Samar ay nagsurrender
sa 43rd Infantry Battalion na pinangunguluhan ng Commanding Officer na si Lt. Col. Raymundo Picut.

Isinuko din niya ang dalawang calibre 38 revolver, mga bala at isang granada.

Ang pagsuko ng nasabing miyembro ng NPA na ito ay nagbigay daan para sumuko din ang 71 na iba pang miyembro at supporters ng NPA pagkaraan lang ng ilang araw, noong Ika 15 ng Hunyo.


“Ang pagsuko ng nasabing kasapi ng NPA ay isang patunay at resulta ng sunod-sunod na operasyon na inilunsad sa unang distrito ng Northern Samar, “ ang pahayag ni Lt. Col. Picut.

Hinikayat din niya ang iba pang miyembro ng NPA na bumaba na at magbalik-loob sa pamahalaan.

Ang pamahalaan ay may mga programa para sa nga nagbabalik loob, dagdag pa ni Picut.

“Andiyan ang Enhanced Conprehensive Local Integration Program o E-CLIP at ang Local Social Integratiin Program (LSIP) ng local na pamahalaan ng Northern Samar na magbibigay sa inyo ng ayudang pinansiyal at iba pang serbisyo para sa pagsisimula ng bagong buhay.” (PIA-8)

https://pia.gov.ph/news/articles/1045275

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.