SALVADOR LUMINOSO
NPA-PALAWAN
BIENVENIDO VALLEVER COMMAND
MARCH 16, 2020
Ipinapaabot ng Bievenido Vallever Command-NPA Palawan ang pagsuporta at malugod nitong pagbati sa bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command na si Ka Armando Cienfuego bilang papalit at magpapatuloy sa paghahatid ng Tinig ng Rebolusyon sa Timog Katagalugan(TK).
Pagpapatunay lamang na tuloy ang pag-inog at pag-ikid ng rebolusyunaryong kilusan sa Timog Katagalugan na kabaliktaran sa mga ipinangangalandakan ng mga mersenaryong militar na hihina ang rebolusyonaryong kilusan sa TK matapos umanong madakii ang dating tagapagsalita ng MGC na si Jaime ‘Ka Diego’ Padilla at pagkapaslang kay Ermin ‘Ka Romano’ Bellen.
Maituturing man na malaking kawalan ang di makatao at labag sa JASIG pagkakapiit kay Jaime ‘Ka Diego’ Padilla at ang brutal na pagpaslang kay Ka Romano ay malaking kahibangan naman para sa Southern Luzon Command-WESCOM at buong AFP na isiping naikulong din nila ang rebolusyonaryong diwa ni Ka Diego at ang rebolusyunaryong diwa ng mga mamamayan sa Timog Katagalugan.
Maaring ipiit ng pasista ang mga rebolusyunaryo ng makailang libong ulit, ngunit napatunayan na sa kasaysayan na ang daluyong ng rebolusyunaryong diwa ay hinding hindi kayang hadlangan ng makakapal na pader ay matitibay na rehas na bakal sapagkat ang lumaban ay likas sa masang malaon ng api at pinagsasamantalahan. Sa katunayan ang paglikha ng rehimeng US Duterte sa EO70 ay isang malinaw na batayan sa patuloy na paglakas ng rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa. Samantalang sa Timog Katagalugan naman ay patunay din sa kainutilan ng RTF/PTF-ELCAC ang pagbubuo ng bagong batalayon mula sa dating 59th IB upang maging dagdag na pwersang panagupa laban sa pwersa ng NPA na ayon sa kanila ay humina na. Kung totoong humina na bakit kailangan pang magdagdag ng bagong batalyon para tuluyang durugin ang NPA sa Timog Katagalugan?
Ang pagkalantad ng di makataong pagtrato ng AFP kay kasamang Jaime “Ka Diego” Padilla at ang kanilang desperadong saywar laban sa NPA at buong rebolusyunaryong kilusan ay higit lamang na magpapasiklab sa nagpupuyos na damdamin ng laksa-laksang mamamayan at mga rebolusyunaryo ng rehiyon. Ang Tinig ni Ka Diego ay tinig ng milyun-milyong masang api sa Timog Katagalugan na nagnanais kumawala sa gapos ng dantaong kahirapan at pagkaalipin na magpapatuloy sa pamamagitan ng pagkakahirang kay Ka Armando Cienfuego bilang bagong tagapagsalita ng MGC. Patuloy na aalingawngaw ang Tinig ng Rebolusyon na tatagos sa diwa ng sambayanang Pilipino hanggang sa magiging apoy na tutupok sa pyudalismo, burukrata kapitalismo at imperyalismo.
Batid ng mamamayan na sa panahon ng malaganap na misimpormasyon, pekeng balita at supresyon sa mga daluyang kritikal sa rehimen, mahalagang salik ang gagampanan ni Ka Armando Cienfuego. Siya ang magiging matining na tinig ng rebolusyuanryong kilusan ng TK laban sa kontrarebolusyunaryong propaganda at saywar. Makakaasa si Ka Armando Cienfuego at ang MGC ng lubusang suporta mula sa Bienvenido Vallever Command ng NPA-Palawan na magiging matatag niyang bisig ang BVC sa pagpapalaganap ng rebolusyuanryong paninindigan at pagsusuri ng pangrehiyong kumand ng BHB.
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Lumalaban!
Mabuhay ang Rebolusyon!
https://cpp.ph/statement/mensahe-ng-pagbati-sa-bagong-tagapagsalita-ng-bhb-st/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.