SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 15, 2020
Sukdulang karahasan ang inaabot ng masang anakpawis sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng rehimeng US-Duterte. Wala itong pinagkaiba sa mga nakaraang programa ng mga pasistang rehimen. Gasgas nang programa ang di umano’y paghahatid ng mga serbisyong panlipunan upang tabingan ang pagsakyada ng militar sa kanayunan at higit na pagtutulak ng huwad na gera kontra-terorismo. Sa panahong balisa ang masang anakpawis dahil sa matinding krisis na dulot ng COVID-19 at African Swine Flu (ASF), higit pang naikukubli ng rehimeng US-Duterte ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan at lumolobong bilang ng paglabag ng militar sa mga karapatang tao.
Sa Masbate, sinasalakay na ng mga elemento ng 2nd IB at PNP Masbate ang ilang barangay sa mga bayan ng Milagros, San Fernando, San Pascual, Claveria, Monreal at San Jacinto mula pa noong Pebrero 9.
Noong Marso 10, pinaslang ng mga militar si Kiko Garamay, 30 taong gulang, sa Brgy. Rizal, Monreal. Nadamay pa ang kanyang mga anak sa walang habas na pamamaril ng militar. Nang sumunod na araw, pinaslang naman si Nongnong Hermena, 50 taong gulang, sa Sitio Ilawod, Brgy. Macarthur. Mula Marso 9 hanggang Marso 11, mayroon pang anim na iligal na inaresto, dalawang ninakawan at isang pamilyang biktima ng iligal na panghahalughog ng bahay. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa ilinilalabas sa publiko si Amado Bartolay ng Sitio Dalaquit, Brgy. Macarthur, Monreal.
Sa Sitio Bantayan, Brgy. Patag Poloan, Caramoan, Camarines Sur, dinadaig na ng militar ang mga sibilyang ahensya sa pagsasagawa ng mga census. Noong Marso 12, kinuhaan ng militar ng litrato ang mga bahay at tagabaryo nang walang pahintulot. Sapilitang pinapupunta ang mga nakuhaan ng litrato sa Pili nang walang anumang katwiran o maayos na paliwanag. Ito na ang kalakaran ng AFP-PNP-CAFGU upang makapagtipon ng sapat na dami ng taong palalabasing mga ‘sumukong NPA’. Halatang hinihintay lamang ng militar na matapos ang ligalig na dulot ng COVID-19 at ASF bago muling bumwelo sa pagpapalaganap ng kasinungalingan, laluna’t napahiya ito sa ilinabas nitong litratong naka-photoshop noong Disyembre 2019.
Lantarang kapabayaan sa kapakanan ng mamamayan ang pag-atupag ng rehimeng US-Duterte sa gerang mapanupil sa gitna ng tumitinding krisis pangkalusugan at pagdausdos ng ekonomya ng bansa. Sunud-sunod na binayo ng tagtuyot, mga bagyo, ASF at COVID-19 ang rehiyon ngunit walang ipinatupad na makabuluhang programa si Duterte upang maresolba ang mga ito.
Mahigpit na nananawagan ang NDF-Bikol sa mamamayang Bikolano na magkaisa at ilantad ang mga kaso ng paglabag sa karapatang tao laluna sa mga bayang saklaw ng RCSP. Hinihikayat ang lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang taong kagyat na mag-ulat sa midya, mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang tao at mga upisyal ng barangay. Sa pagtindi ng disimpormasyon at saywar, hamon din para sa mga kagawad ng midya na maging kritikal at manatiling bukas upang makuha ang panig ng masang anakpawis. Naigpawan at higit lamang tumatag ang pakikibaka ng mamamayan sa gitna ng mga operasyong militar mula pa sa mga nakaraang pasistang rehimen. Bitbit ang praktika at kapasyahang labanan at durugin ang diktadurya, tiyak na mabibigo ng masang anakpawis ang RCSP at Oplan Kapanatagan ng rehimeng US-Duterte.
Talingkas sa pagkaoripon!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Biguin ang MO 32 at EO 70!
https://cpp.ph/statement/rcsp-mukha-ng-kontra-mamamayang-gera-ng-pasistang-rehimeng-us-duterte-sa-kanayunan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.