SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 16, 2020
“Naging makatotohanang balon siya ng mga praktikal na gabay para sa mga susunod na henerasyon ng mga kadre ng Partido dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pagtatayo ng Partido, pamumuno sa tropa at paglubog sa mga pangangailangan at kahilingan ng batayang masa. Kahit madalas niyang sinusubukang hindi maging kapansin-pansin, ang kanyang tangkad at ang kanyang mga nakakatawang kwento’t pakulo ang nakakahamig sa mga tao papalapit sa kanya. Pero istrikto siya kapag hinihingi ng pagkakataon laluna pagdating sa mga patakaran ng Partido.
Ilang araw bago siya pinatay at ibinuwal ng mga alagad ng kamatayan ng estado, muli siyang inatake ng mild stroke. Lagi’t lagi niyang hinaharap ang kanyang diabetes, hypertension at pumapalyang puso. Sa edad na 56, mabilis na nahuhulog ang kanyang katawan subalit muli’t muli niyang tinatanggihan ang pagpapa-opera sa kanyang puso dahil alam niyang lilimitahan nito ang kanyang pagkilos at mahihiwalay siya sa pagsisilbi sa kanayunan. Tumanggi siyang magpahinga at nagpatuloy sa kanyang ritwal na pagkalikot sa mga bagay na dapat ayusin—sa literal at makahulugang sabi. Kung hindi ang balikong paa ng mesa, ang pinagtagpi-tagping bubong, o kaya naman, mga bag na dapat ikamada uli o kapag hindi pwede, ang mga problema sa buhay ng mga kasama.”
(Mula sa parangal kay Alfredo ‘Ka Bendoy’ Merilos, ilinathala noong Marso 17, 2018.)
Ngayong anibersaryo ng kanyang pagkakapaslang, ipinagtitibay ng masang Bikolano ang kanilang kapasyahang lumaban para sa tunay na katarungan. Ibayong isusulong ng masang anakpawis ang rebolusyon hanggang ganap na tagumpay!
https://cpp.ph/statement/pag-alaala-kay-alfredo-ka-bendoy-merilos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.