SPOKESPERSON
NPA-QUEZON
APOLONIO MENDOZA COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
DECEMBER 10, 2019
Pulang Saludo sa Tatlong Martir ng Antipolo
Nagbibigay ng pinakamataas na pagpupugay ang Apolonio Mendoza Command-NPA at ang buong rebolusyunaryong kilusan sa lalawigan ng Quezon kina Kasamang Ermin Bellen, mas kilalang Ka Romano at sa dalawa pang kasamang sina Jose Villahermosa at Lucio Simburoto.
Sila ay namartir noong Disyembre 5, 2019 sa Barangay Cupang ng Antipolo City matapos paslangin ng mga pulis at sundalo sa isang mala-Tokhang na reyd .
Labis-labis ang pagkilalang ibinibigay ng mamamayan ng Quezon sa mahalagang ambag ni Ka Romano sa pagsusulong ng armadong pakikibaka sa lalawigan. Sa panahon ng kanyang pamumuno bilang kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at kumander ng NPA, tinipon at pinagmartsa nya sa iisang landas ang rebolusyunaryong puwersa sa bahagi ng hangganang Quezon, Rizal at Laguna para dalhin ang digmang bayan sa isang antas na gumimbal sa pasistang tropa at naghaharing uri ng kasalukuyan at mga nagdaang rehimen.
Lahat ng kampanyang supresyon na inilunsad ng Armed Forces of the Philippines sa erya ng digma na pinamunuan ni Ka Romano ay matapang na hinarap at binigo ng rebolusyunaryong mamamayan. Sa kaigtingan ng mga focused military operation, ang mga yunit ng NPA sa pamumuno ni Ka Romano ang nakapagtala ng matutunog at matatagumpay na taktikal na opensiba na puminsala sa pasistang tropa, at mga aksyong pamamarusa na nagbigay katarungan sa mamamayan mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri.
Pinakasariwa sa alaala ng katutubong Dumagat at Remontado at iba pang maralita sa kanayunan ng North Quezon ang magiting na paglaban sa pagtatayo ng mapaminsalang proyektong Kaliwa Dam. Hanggang kasalukuyan, magiting na tumitindig ang mamamayan para tutulan at labanan ang Kaliwa dam. Isa ito sa iniwang pamana ni Ka Romano sa kanyang pagkamartir.
Hindi ka malilimutan ng uring api na iyong pinagsilbihan, kasamang Romano! Kasabay ng aming pagluluksa sa iyong kamatayan ang pagdiriwang din sa kaisa-isang buhay na walang pag-iimbot mong inialay para sa ating mahal na bayang Pilipinas!
Buhay ang iyong alaala na nananahan sa bawat puso ng mamamayan ng Quezon!
Pangakong ipagpapatuloy namin ang iyong naputol na gawain sa pagrerebolusyon at dadalhin ito sa mas maraming tagumpay!
https://cpp.ph/statement/ipagbunyi-ang-buhay-at-kamatayang-pakikibaka-ni-ka-romano/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.