Monday, November 11, 2019

Tagalog News: 44 rebelde sa Gitnang Luzon, nagbalik loob sa pamahalaan

From the Philippine Information Agency (Nov 11, 2019): Tagalog News: 44 rebelde sa Gitnang Luzon, nagbalik loob sa pamahalaan

Featured Image

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Nobyembre 11 (PIA) -- May kabuuang 44 rebelde mula sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Luzon ang nagbalik loob sa pamahalaan nitong Lunes.

Ayon kay Police Regional Office 3 Acting Regional Director PBGen. Rhodel O. Sermonia, ang mga naturang returnees ay nagsilbi sa mga tinaguriang “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA na nagiimpluwensya sa mga kabataan, labor unions at maralita sa lungsod.

Aniya, linilinlang ng CPP-NPA ang mga taga Gitnang Luzon na walang kamalay-malay kung saan inu-una ang mga estudyante lalo na yung may mga magulang na nasa ibayong dagat o Overseas Filipino Workers.

May mga cadres din sila na nakapasok sa iba’t ibang kumpanya sa mga economic zones ng Clark, Subic, Hermosa at Mariveles at maging sa iba’t ibang mga pabrika sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.


May kabuuang 44 rebelde mula sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Luzon ang nagbalik loob sa pamahalaan nitong Lunes. Ang mga naturang returnees ay nagsilbi sa mga tinaguriang “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na nagiimpluwensya sa mga kabataan, labor unions at maralita sa lungsod. (Edward S. Manarang/PIA 3)

Iginiit ni Sermonia na kinakailangan na bigyang pansin ngayon na di sila tuluyang makapasok sa mga industriyang ito dahil oras na makapasok sila ay magsasara ang mga naturang kumpanya at pabrika na magreresulta sa kawalan ng trabaho at hindi pagtustos sa pangangailangan ng pamilya.

Samantala, inilahad ni Department of the Interior and Local Government o DILG Pampanga Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia na ang kanilang ahensya ay may paunang tulong na 15,000 piso sa bawat returnee.

Oras na mabigyan sila ng clearance ng kasundaluhan at kapulisan, maaring ibigay ng DILG ang 50,000 pisong livelihood assistance. Maari din nilang makuha ang iba’t ibang ayuda ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng skills training, scholarship at health assistance.

Nangako naman ng counterpart na tulong pinansyal si Pampanga Governor Dennis G. Pineda sa mga sumuko. Sinabi din niya sa mga nagmula sa ibang lalawigan na maari silang humingi ng tulong sa kanyang tanggapan kung nangangailangan sila ng trabaho. (CLJD-PIA 3)


Inilahad ng iba’t ibang opisyal mula sa pambansa at lokal na pamahalaan ang mga ayudang maaring matanggap ng 44 rebeldeng nagbalik loob. (Edward S. Manarang/PIA 3)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.